Raffy Tulfo, nagbahagi ng kaunting pasulyap sa kaniyang pinapagawa na bahay pahingahan at apat na palapag na bahay

Likas na sa ugali ng mga Pilipino na may nakikita at napupuntahan ang kanilang pinagpaguran. Ang iba, nagpapatayo ng sarili nilang negosyo, samantalang ang iba bumibili ng lupa, at ang iba naman ay nagpapagawa ng bahay o di kaya rest house sa kanilang lugar.

Image courtesy: Raffy Tulfo/Youtube



Image courtesy: Raffy Tulfo/Youtube

Iyan ay iilan lamang sa mga palatandaan na may nararating na tayo sa buhay at mayroon ng naging resulta ang pagbabanat ng kanilang buto.

Image courtesy: Raffy Tulfo/Youtube
Image courtesy: Raffy Tulfo/Youtube

Bukod dito ay may mga kapwa ka ding natutulungan dahil nabibigyan mo sila ng trabaho o kanilang pagkakakitaan.

Image courtesy: Raffy Tulfo/Youtube
Image courtesy: Raffy Tulfo/Youtube

Isa na rito ang sikat at kilala ng lahat na si Idol Raffy Tulfo. Kaniyang ipinakita sa publiko ang ipinapagawang rest house at bahay na mayroong apat na palapag na matatagpuan sa kanilang probinsiya at sa Quezon City.

Ipinakita niya sa kaniyang YouTube Channel na hindi lamang sa kaniyang programa nakalaan ang kaniyang oras kundi pati narin sa pagpapaganda at pag-aayos ng kaniyang mga ari-arian.

Image courtesy: Raffy Tulfo/Youtube



Image courtesy: Raffy Tulfo/Youtube

Matatagpuan ang kaniyang 4 na palapag na bahay sa Quezon City samantala ang kaniya namang rest house ay sa kanilang probinsiya mismo.

Image courtesy: Raffy Tulfo/Youtube
Image courtesy: Raffy Tulfo/Youtube

Ikuwinento ni Raffy na dalawang taon na niyang sabay na pinapagawa ang kaniyang rest house na magsisilbing bakasyunan nila ng kaniyang asawang si Jocelyn na may sukat na 7 000 sqm at ang kaniyang 4 na palapag na bahay na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos.

Image courtesy: Raffy Tulfo/Instagram

Kung iyong matatanong na para sa isang sikat at kilalang tao, bakit hindi niya kayang ipatapos ng ilang buwan lamang ito dahil marami naman siyang pera.

Image courtesy: Raffy Tulfo/Instagram

Ngunit para sa nag-iisang idol ng masa, hindi niya minamadali ang pagpapatapos nito, dahil para sa kaniya ay masaya siyang nakikitang may nabibigyan siya ng trabaho at may natutulungan at masaya din siya para sa kaniyang sarili dahil nakikita niya kung saan napupunta ang kaniyang pinagtatrabahuan.

Image courtesy: Raffy Tulfo/Youtube

Si Raffy Tulfo ay isang kilalang YouTuber sa bansa at may mahigit 18 million ang kaniyang subscriber sa kaniyang channel na “Raffy Tulfo in Action.”





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *