Sheena Halili, masayang ipinagdiwang ang unang buwan na kaarawan ng kaniyang anak na si Baby Martina

Kung iyong mapapansin at makikita sa mga sari-saring social media post, talaga namang kaakit-akit at mamamangha ka sa mga cute na cute na mga chikiting samahan pa ng samot saring pakulo ng kanilang ina bago pa sapitin ng kanilang mga anak ang isang taong kaarawan ng mga ito.

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram



Ito ay isang patunay lamang kung gaano kasaya, nag-eenjoy at nagpapasalamat ang mga ina na nakikitang malusog at malayo sa sakit ang kanilang mga anak.

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Isa na rito ang maganda at seksing ina na si Sheena Halili na kung saan ay makikita sa kaniyang Instagram post ang isang napakacute na larawan ng kaniyang anak na kaniyang ibinahagi para sa pagdiriwang ng 1st month nito dito sa mundong ibabaw.

Si Sheena mismo ang kumuha na nasabing larawan ng kaniyang anak na si Martina. Nabanggit ng aktres na ang nagbigay sa kanila ng labis-labis na kaligayahan noon, ngayon ay isang buwan na.

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Maligayang sinalubong ng mag-asawang Sheena at Jeron ang pagdating sa kanilang pamilya at buhay ang kanilang munting anghel na si Martina noong nagdaang Linggo ng Disyembre 13, 2020.

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Nakilala ni Sheena si Jeron noong siya ay 30 taong gulang, aminado naman ang aktres na talagang mapili siya noon pagdating sa kaniyang mga manliligaw at nang makita at makikilala niya si Jeron ay naisip na ito na talaga.

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram



Matapos ng dalawang buwang panliligaw ni Jeron ay ipinakilala na ni Sheena ito sa kaniyang mga magulang bilang kaniyang kasintahan noong Nobyembre 28, 2018.

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Nagproposed si Jeron kay Sheena noong Agosto 26, 2018 sa loob ng isang Cinema sa Greenhills Shopping Center na matatagpuan sa San Juan City.

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Ikinasal sina Sheena Halili at Jeron Manzareno noong Linggo ng Pebrero 23, 2020 sa The Blue Leaf Cosmopolitan na matatagpuan sa Quezon City kasama ang kanilang mga kamag-anak at mga malalapit na kaibigan sa showbusiness.

Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Hindi matawaran ang kasiyahan ng mga netizens na makita na masaya ang kanilang idolo na si Sheena Halili.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *