Ika nga, hindi nasusukat at basehan ang edad pagdating sa usaping edukasyon. May kaniya-kaniya tayong mga sariling pinagdadaanan sa buhay na nagiging sanhi kung bakit tayo nahuhuling makapagtapos ng pag-aaral.

Sabi pa ng ilan, hindi paunahan makapagtapos ng pag-aaral ang paraan para ikaw ay maging successful sa buhay. Dahil may kaniya-kaniya tayong oras at panahon, ang mahalaga huwag ka lang susuko. Dahil ang lahat ng bagay ay napagtatagumpayan kapag ikaw ay may determinasyon, sipag at tiyaga, samahan mo pa ng dasal.

Isa na si Juancho Triviño ang magpapatunay dito. Natapos niya ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship sa De La Salle University pagkatapos ng labing dalawang taong na kung saan ay nagsimula siyang pumasok sa kolehiyo sa taong 2009.

Makikita ito sa Instagram post ng Kapuso aktor kung saan ay masaya niyang pinost ang kaniyang larawan na nakasuot ng toga at iba’t ibang mga larawan na nakuha niya noong estudyante pa lamang siya sa De La Salle University.

Sa nasabing post ay ibinahagi niya ang kuwento ng kaniyang mga naging pinagdaanan bago niya nakamit ang pinakamagandang achievement ng kaniyang buhay.

Nagsimulang mag-aral sa kolehiyo si Juancho noong taong 2009 subalit ay huminto siya sa kalagitnaan ng kaniyang pag-aaral upang ipagpatuloy ang kaniyang acting career.

Makalipas ang ilang taon ay napagdesisyon ulit ni Juancho na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral na kahit anong mangyari ay tatapusin niya ang kaniyang nasimulang kurso sa De La Salle University upang mabayaran at masuklian ang mga hirap at pagod ng kaniyang mga magulang para lang mapag-aral siya sa isa sa pinakakilalang eskuwelahan at makatulong sa kanilang pamilya.

Naranasan din ng aktor ang maging isang working student kung saan ay pumapasok siya sa kaniyang klase ng walang tulog at umiinom na lamang siya ng kape upang malabanan ang antok.


Minsan din pagkatapos mismo ng shooting sa umagang programa ng Kapuso network na Unang Hirit ay nakikiangkas na lamang siya para makaattend pa rin ng klase kahit huli na. Nais ni Juancho na hikayatin ang lahat na ang Diyos ay may inilaan na oras at magandang plano para sayo.