Liza Soberano ibinahagi ang napakasayang bakasyon nila ni Enrique sa Siargao Island kung saan talagang nag-enjoy siya sa kaniyang Surfing Experience

Likas na sa ating mga Pilipino ang aliwin at ipasyal ang ating sarili sa kabila ng napakarami at nakakapagod nating gawain sa trabaho.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram



Isa lamang ito sa mga paraan upang ipakita na hindi natin pinapabayaan ang ating sarili sa kabila ng napakabusy nating mga schedule sa trabaho.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Kilala ang bansang Pilipinas sa mga magagandang tanawin na talaga namang dinarayo pa ng mga turista. Isa na rito ang magagada nating mga beaches na talaga namang maipagmamalaki natin kahit saan tayo pumunta.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Isa na rito ang kilala at dinarayong isla ng Siargao na mayroong magagandang tanawin at nakakarelax na tubig dagat. Kaya naman hindi mo masasabing hindi ito dadagsain ng maraming mga turista o bakasyunista at kahit na ng mga pinoy.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Kung iyong mapapansin ay naipapakita din ang ganda nito sa mga palabas sa pelikula at kahit na sa social media.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Hindi lamang magagandang tanawin ang makikita dito dahil talaga namang mamamangha ka sa mga malalaking alon na makikita sa beach na isa ding naging dahilan kung bakit dinarayo ang Siargao.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Kung mapupunta ka dito ay hindi lamang ang magandang tanawin ang iyong maaalala kundi pati narin ang iyong naging karanasan sa magandang lugar na ito.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram



Kaya naman isa na si Liza Soberano ang nagpatunay sa ganda nito at ala-alang hindi malilimutan. Makikita sa isang Instagram post ni Liza ang isang larawan kung saan siya ay nagsusurf at isang caption ang inilagay niya rito, kung saan ang Isla ng Siargao ang isa sa pinakamagandang lugar na nagparanas kay Liza Soberano ng hindi malilimutang island experience.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Pinasalamatan din niya ang mga taong nagbigay at nagparanas sa kaniya ng sobrang kasiyahan. Kaya naman, para sa aktres ay naging espesyal sa kaniya ang Siargao.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Dagdag pa ng aktres na hindi lamang ang Siargao ang may nakakaakit na ganda, kundi pati na rin ang mga taong magalang at may mababait na kalooban.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram
Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Ang Siargao ay kilala bilang “Surfing Capital of the Philippines” kung kaya karamihan sa mga pumupunta dito ay ang mga dayuhan at Pilipino na gusto mag surfing.





Leave a Reply

Your email address will not be published.