Sa samu’t saring mga pangyayaring nagaganap sa ating buhay, isa na ang kaarawan na kahit kailan ay hinding-hindi natin nakakalimutan.

Ito ay isang pangyayari sa ating buhay na biglang lumilipas ngunit bumabalik upang ipaalala sa atin kung ano ang naging mga resulta natin sa ating buhay sa bawat taon ng ating paglalakbay.

Sa tuwing may magdiriwang ng kanilang kaarawan ay iyong maririnig ang mga katagang, kaunti nalang wala na ako sa kalendaryo, ngunit kung iyong mapapansin, edad mo lang ang napag-iwanan ng panahon, pero ang iyong mga matatalik na kaibigan at pamilya ay nariyan sa tabi mo sa bawat paglipas ng oras.

Isa sa mga kilalang sikat na artista si Sheena Halili, at nitong Sabado lamang ng Enero 16 kasalukuyang taon ay ipinagdiwang ang kaniyang ika-tatlumpu’t apat na kaarawan na kung saan ay ipinagdiriwang rin niya ang kaniyang espesyal na araw bilang isang full-time na ina.

Ang pagdiriwang ng nasabing kaarawan ay ginanap sa pamamagitan ng isang social media na Zoom birthday party upang ibahagi ang nasabing saya na kaniyang ipinagdiwang kasama ang mga kaibigan at pamilya.

Ito ay isang paraan lamang na kahit sa kabila ng pandemiya na ating nararanasan ay gusto pa rin ni Sheena na magkaroon ng isang larawan kasama ang kaniyang pamilya sa napaka-espesyal na araw at kasama ang anak na si Martina.

Sa nasabing kaarawan, si Sheena mismo ang naging punong abala dahil siya mismo ang naglagay dekorasyon at ang kaniyang cake ay kaniyang nerecycle mula sa kakatapos lamang na unang buwan na kaarawan din ng kaniyang anak na si Martina.

Ibinahagi rin niya na simple lang ang kanyang pagdiriwang ng kaarawan, dahil sa kadahilanang wala ng oras upang maghanda at ang kaniyang asawa ay sobrang abala at pagod galing sa trabaho habang siya at ang kaniyang ina naman ay abala sa pag-aalaga sa kaniyang anak.

Hindi man ini- expect ay may hinandang pakulo naman pala ang kaniyang pamilya, asawa at mga kaibigan. Sa kabila man ng simpleng pagdiriwang ng kaniyang kaarawan, ay hindi naman nakalimutan ni Sheena na magpasalamat sa Diyos at sa mga taong nagmamahal sa kaniya.