Sabi nga ng ating mga magulang, pumili ng mabuti sa mga taong ating magiging kaibigan. Ang mabubuting kaibigan ay isang kayamanan na kahit kailan ay hindi mawawala sayo.

Minsan ka lang din makakakita at makakatagpo ng mga tunay na kaibigan na habang tumatagal ay hindi mo na maituturing na mga kaibigan bagkus ay parang mga pamilya at mga kaibigan mo na handang damayan at suportahan ka.

Isa na sa nakaranas nito ay si Janella Salvador na kung saan ay nagawang surpresahin siya ni Liza Soberano.

Makikita sa ibinahaging larawan at bidyo ni Janella ang isang surpresa para sa kaniyang baby shower na kung saan ay si Liza Soberano ang naging punong abala sa nasabing pasurpresa para sa kaniya.

Ibinunyag ng aktres na nangyari ang baby shower bago pa siya umalis ng Pilipinas. Sa kaniyang Instagram post, ang nasabing pasurpresa ay nauna ng pasimulan sa pagsuot ng isang OOTD kung saan ay sinabihan siya ng kaniyang kagrupo na gawin ito.

Hindi man kayang ipakita ni Janella kung gaano siya nasurpresa ngunit alam naman niya at ng mga taong nasa paligid niya kung gaano siya kasaya sa pagmamahal na ipinaparamdam nila at sa pagpapaalala sa kaniya ang kabutihan at pagmamahal ay nangingibabaw parin sa bawat tao sa kabila ng nararanasan natin.

Si Janella Salvador ay isang aktres at mas lalong nakilala sa umagang palabas ng Kapamilya Network na “Be Careful With My Heart”.

Kung ating matatandaan ay maraming nagtatanong kung bakit hindi na nakikitang umarte sa screen si Janella Salvador at ngayon ay nabigyan na ng kasagutan ang maraming haka-haka na siya ay buntis at gusto niya lamang munang maenjoy ang mga sandali ng kaniyang pagiging isang ina.


Ipinanganak ni Janella Salvador ang kanilang panganay na anak ni Markus Paterson na si Jude noong Oktubre 20, 2020.