Isa sa mga sa masarap na pakinggan mula sa tao ay ang purihin ka dahil sa taglay mong pisikal na anyo lalo na kung sabihin pa mismo nila na malaki ang pagkakahawig mo sa magulang mo.

Hindi naman natin maiiwasan iyon lalo na kapag parang pinagbiyak na bunga kayong dalawa ng nanay o tatay mo. Mas mahigit na nakakataba ng puso na sabihin din ng mga tao na hindi lamang sa pisikal na anyo kayo magkamukha kundi pati na rin sa ugali na ating pinapakita sa nakararami.

Tulad na lamang ng anak ni Aiko Melendez na sa unang tingin palang aakalain mo na si Aiko ito noong siya ay bata pa. Siguro naman halos lahat ng mga tao sa Pilipinas ang kilala ang napakagandang aktres na si Aiko Melendez na talagang hinangaan ng nakakarami noong unang beses pa lang siya pumasok sa showbusiness.

Lumipas man ang madaming taon ay kitang-kita pa din ang walang kupas na kagandahan ng aktres na minana pa mismo ng kanyang anak na babae na si Marthena Jickain.

Kitang-kita sa mga litrato na inyong mapapansin sa social media ng aktres at ng kanyang anak ang hindi pagkakalayo ng dalawa lalo na sa pisikal na katangian.

Madami sa mga netizens ang nakapansin na ito na talagang nahumaling sila sa tuwing makikita nila ang mag-ina na magkasama sa litrato.

Bukod dito madami din ang nagsasabi na hindi lamang ang kagandahang taglay ang minana ni Marthena kundi pati narin ang magandang pag-uugali ng ina.

Ang kinaibahan nga lang ng dalawa ay ang gusto nilang gawin at takahin sa buhay. Napag-alaman na ang anak niya ay mahilig sa sport na Volleyball.

Hindi din mawawala ang mga haka-haka na kung sakaling balakin man ng anak ng aktres na pumasok sa mundo ng showbusiness ay siguradong magiging patok ito dahil sa taglay nitong kagandahan tulad ng kanyang ina.