Ibinahagi ni Kaye Abad ang kaniyang naging first love at first boyfriend noong panahon ng kaniyang kabataan

Lahat tayo may kaniya-kaniyang naging first love at naging unang kasintahan, na talaga namang mahirap kalimutan lalo na ang mga nabuong tamis ng pagmamahalan.


Image courtesy: Star Magic/Facebook



May mga pangyayari minsan na ang nagiging kasintahan mo o first love ay iyong kaibigan, kababata o di kaya katrabaho mo pa. Sa ganitong klase ng sitwasyon ay hindi natin maitatanggi na pwedeng mabuo ang isang matamis na pagtitinginan na sa huli ay pwedeng humantong sa pagiging magkasintahan.


Image courtesy: Abs-cbn/Facebook

Image courtesy: Kaye Abad/Instagram

Isa na rito ang sikat at kilalang artista na si Kaye Abad na minsang nahulog ang puso sa kaniyang naging katrabaho. Nang makapanayam si Kaye Abad sa programang “Tonight With Boy Abunda” na kung saan ay si Tito Boy Abunda ang host, ay kaniyang ibinahagi rito na ang magaling at kilalang aktor na si John Lloyd Cruz ang kaniyang naging unang kasintahan at unang minahal.

Image courtesy: Kaye Abad/Instagram

Nabuo ang kanilang matamis na pag-iibigan sa isang teleseryeng pinamagatang “Tabing Ilog” kung saan si John Lloyd Cruz ang kaniyang kaloveteam dito. Maraming tagapanuod ang sinusubaybayan at kinakiligan ang kanilang tambalan na hindi rin nagtagal ay nauwi sa totohanang relasyon.

Image courtesy: Kaye Abad/Instagram



Dahil dito ay naitanong kay Kaye kung ano ba ang nakita niya kay John Lloyd at napatibok nito ang puso ng dalaga. Agad naman sinagot ito ni Kaye, na kung saan ay isa sa mga nagustuhan ng aktres kay John Lloyd ay ang pagkatao nito.

Image courtesy: John Lloyd Cruz/Instagram

Kaya naman, ibinahagi rin ni Kaye ang mga naging moments nila, na kung saan ay sinusundo at hinahatid niya si John Lloyd mula sa kanilang bahay hanggang sa kanilang shooting venue kahit iba ang way ng tahanan nito dahil wala pa umanong sasakyan ito.

Naisaad din ng aktres na nakikitaan niya si John Lloyd na magiging isang napakahusay na aktor at sisikat ito.

Image courtesy: John Lloyd Cruz/Instagram

Ibinahagi din ng aktres ang kaniyang nararamdaman na sobrang excited siyang makita muli ang kaniyang mga dating nakatrabaho at kaibigan kung sakaling matutuloy ang pinag-uusang reunion para sa kanilang barkada series na “Tabing Ilog”.

Image courtesy: Kaye Abad/Instagram

Ang nasabing serye na “Tabing Ilog” ay pinagbibidahan ng mga pinakamahuhusay na mga artista at aktor na sina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Baron Geisler, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Desiree Del Valle, Patrick Garcia, Paula Peralejo, at marami pang iba.





Leave a Reply

Your email address will not be published.