Ikinasal na ang aktor na si Rocco Nacino sa Volleyball star na si Melissa Gohing

Sabi nga ng isang kasabihan, sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy. Hindi natatapos sa magkasintahan lamang ang dalawang taong nagmamahalan.

Image courtesy: Rocco Nacino/Instagram



Dahil kahit anong mangyari ang kanilang pagmamahalan ay ipagbubuklod ng mga tao sa harapan ng Diyos.

Image courtesy: Rocco Nacino/Instagram

Ika nga, ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo na iluluwa kapag napaso. Ang pag-aasawa ay hindi madali. Hindi lamang ito sukatan ng pagmamahalan ng dalawang tao.

Image courtesy: Rocco Nacino/Instagram

Ito ay isang bagay na habang buhay niyong isasalba, iingatan at pagsasaluhan mula sa inyong mga tagumpay at kabiguan bilang mag-asawa.

Image courtesy: Melissa Gohing/Instagram

Ang dating magkasintahan, ngayon mag-asawa na. Ikinasal sina Rocco Nacino at Melissa Gohing noong Enero 21, 2021.

Image courtesy: Melissa Gohing/Instagram

Ang magandang pangyayari sa kanilang dalawa ay ibinahagi ni Rocco sa kaniyang Instagram post noong Biyernes na kung saan siya at ang Creamline Cool Smashes na si Melissa ay ikinasal na.

Image courtesy: Melissa Gohing/Instagram



Bilang isang reservist ng Philippine Navy, si Rocco na nakasuot ng kaniyang pang military na uniporme sa araw ng kaniyang kasal.

Image courtesy: Melissa Gohing/Instagram

Ibinahagi naman ng volleyball star sa kaniyang post na, kaya niya pinakasalan ang aktor ay hindi dahil lamang sa gusto nitong makasama si Rocco habambuhay at mamuhay ng masaya kundi pinakasalan niya ang aktor dahil alam niyang si Rocco ang taong makakasama niya sa hirap at ginhawa.

Image courtesy: Melissa Gohing/Instagram

Alam at nakikita niya na tanging kay Rocco niya lamang malalagpasan ang maraming pagsubok na darating sa buhay mag-asawa. Dagdag pa niya na hindi madali ang buhay may asawa pero pagtatrabahuan niya para sa maayos, matibay at maganda nilang pagsasama.

Image courtesy: Melissa Gohing/Instagram

Enrico Raphael Quiogue Nacino o mas kilala bilang si Rocco Nacino ay isang kilalang Pilipinong aktor at ipinanganak noong Marso 21, 1987 sa Baguio, Benguet ngunit lumaki sa Singapore at Laguna kung saan nakatira ang kaniyang ama.

Image courtesy: Melissa Gohing/Instagram

Si Melissa Gohing ay isang volleyball athlete na kasali sa kupunan na tinatawag na Creamline Cool Smashes. Ipinanganak noong Oktubre 22, 1991 sa Bacolod, Negros Occcidetal, Mindoro.





Leave a Reply

Your email address will not be published.