Nagsilang ng isang napakacute na baby boy ang aktres na si Iwa Moto

Noong nakaraang taon lamang ay nakaranas tayo ng isang katutak na mga pagsubok na kung saan minsan maiisip mo na lang na sumuko sa mga ito.

Image courtesy: Iwa Moto/Instagram
Image courtesy: Iwa Moto/Instagram



Ngunit lumipas ang ilang buwan at sa pagpasok ng bagong taon ay sunod-sunod naman ang mga biyaya na natatanggap ng mga tao at madami din tayong nareyalisa sa ating buhay. Kamakailan lamang ay nabalitaan natin na ang aktres na si Iwa Moto ay nagdadalang tao sa kanyang matagal nang kasintahan na si Pampi Lacson.

Image courtesy: Iwa Moto/Instagram

Nito lamang nagdaang Linggo ay masaya nilang ibinalita sa lahat ng tao na sa wakas ay naisilang na ni Iwa ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Image courtesy: Iwa Moto/Instagram

Ang mga kaganapan na ito ay ibinahagi ng aktres sa kanyang social media account na kung saan masaya niyang ibinalita sa kanyang mga tagasubaybay na ligtas na niyang naipanganak ang kanyang baby.

Image courtesy: Iwa Moto/Instagram

Makikita sa litrato na katabi ni Iwa ang kanyang baby na kung saan bakas sa kanyang mukha ang saya ng isang ina maliban dito makikita din ang litrato ng kanyang asawa na nasa tabi niya ang kanyang anak na tila hindi mo mapaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman.

Image courtesy: Iwa Moto/Instagram



Sino nga ba naman sa mga magulang ang hindi sasaya sa unang pagkakataon na makita mo ang iyong anak na nasa tabi mo na. Inilarawan ni Iwa na ang kanyang anak ay isa na sa magdadala sa kanilang dalawa ni Pampi ng kasiyahan na kung saan susuklian nila ito ng walang hanggang pagmamahal habambuhay.

Image courtesy: Iwa Moto/Instagram

Isa umano itong napakagandang biyaya sa kanila ng panginoon ngayong 2021. Ang anak ni Iwa ay isang lalaki at pinangalanan nila ito ng kanyang asawa na si Caleb Jiro.

Image courtesy: Iwa Moto/Instagram

Ibinahagi din ni Iwa na malaki ang mga naging pagsubok sa kanila ng kanyang pagbubuntis dahil sa katotohanan lamang ay hindi pa pala niya inaasahan na lalabas na ang kanyang anak.

Image courtesy: Iwa Moto/Instagram

Hindi pa umano niya kabuwanan kung kaya malaking pangamba ang bumalot sa kanila ng kanyang asawa ngunit mapagmahal talaga ang panginoon dahil hindi niya pinabayaan si Iwa at ang kanyang anak na si Caleb Jiro hanggang sa maisilang niya ito.

Image courtesy: Iwa Moto/Instagram

Malaking pasasalamat ni Iwa sa lahat ng tao na naging parte ng kanyang matagumpay na panganganak.





Leave a Reply

Your email address will not be published.