Toni Gonzaga, ipinagdiwang ang kaniyang ika-37 na kaarawan kasama ang kaniyang buong pamilya

Sa bawat taong lumilipas ay hindi mawawala ang isa sa pinakamagandang araw na nangyayari sa ating buhay, at ito ay ang pagdiriwang natin ng ating kaarawan.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram



Ito ang araw na kung saan ay nagpapasalamat tayo sa Poong Maykapal sa pagbibigay sa atin ng sapat na kalakasan at sa pag-gabay sa atin upang maipagdiwang ulit ang isa sa pinakamagandang pangyayari sa ating buhay.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Masaya tayong nasa tabi natin at kasama natin ang ating mga pamilya sa pagdiriwang ng ating kaarawan. Minsan kahit malayo pa ay talagang nakaplano na kung saan gaganapin ang nasabing kaarawan.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Madalas gusto natin sa bahay nalang kasama ang pamilya, pero kadalasan din ay pumupunta tayo sa ibang lugar kasama ang ating pamilya upang doon natin ipagdiwang ang ating kaarawan.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Katulad na lamang ng isang kilalang aktres at host na si Toni Gonzaga na kung saan ay ipinagdiwang ang kaniyang kaarawan sa Boracay kasama ang kaniyang pamilya.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram



Makikita sa Instagram post ng aktres ang isang larawan na kung saan ay nakadapa siya sa buhanginan at makikitang abot tenga ang ngiti.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Ipinakita din niya sa kaniyang Instagram stories ang napakagandang tanawin ng poolside mula sa resort na tinutuluyan ng kanilang pamilya.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Saad ng aktres sa kaniyang post, ngayon ay ipinagdiriwang ko ang aking ika-tatlumpu’t pitong kaarawan at pakikibaka sa hamon ng buhay.

Hindi rin naman nagpahuli ang kaniyang kapatid na si Alex Gonzaga upang batiin ito. Nagpost din ng isang larawan si Alex kasama si Toni.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Ang nasabing post ay may kalakip na isang sweetest birthday message. Nagpapasalamat si Alex sa kaniyang ate sa pag-aaruga at pag-aalaga nito sa kaniya.

Kamakailan lamang ay malugod na tinanggap ni Toni ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Mikee Morada.

Image courtesy: Toni Gonzaga/Instagram

Saad din ng aktres sa kaniyang Instagram post na mayroon ng Tito ang kaniyang anak na si Seve at ipinaabot din ni Toni ang kaniyang malugod na pagbagti sa bagong kasal niyang kapatid na si Alex at Mikee.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *