Tingnan ang Photoshoot ng magkasintahan na sina Glaiza de Castro at David Rainey sa kanilang bakasyon sa Ireland

Sa panahon ngayon, ay kaliwa’t kanan ang mga artistang nag-aanunsyo na sila ay engaged na sa kanilang mga kasintahan o hindi naman magugulat ka nalang dahil nagpakasal na ang mga ito.

Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram



Walang makakahahadlang o makakapagil sa dalawang taong lubos na nagmamahalan. Masaya nilang ipinapahayag at ipagsigawan sa buong mundo ang tamis at tatag ng kanilang pag-iibigan.

Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram

Ipinagdiwang nina Glaiza at David ang kanilang anibersaryo noong nakaraang Setyembre ng magkahiwalay dahil nalockdown ang pamilya ni Glaiza sa Siargao samantala nasa Ireland naman si David.

Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram

Sinabi ng aktres sa kaniyang Instagram post na kung saan, sino ang mag-aakalang makakapagsabi siya ng “oo” sa sobrang lamig nang panahon.

Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram

Noong Disyembre lamang ay nangyari ang isang engagement ng pumunta si Glaiza sa Ireland upang dito ipagdiwang ang araw ng pasko kasama ang pamilya ng kaniyang kasintahan na si David Rainey.

Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram



Ito ay pinatunayan ng kilalang aktres na si Glaiza de Castro na sa kabila ng pandemyang nararanasan ng buong mundo ay hindi ito naging hadlang upang magkaroon ng engagement at prenup photoshoot.

Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram

Kung ating matatandaan ay pumuntang Ireland si Glaiza noong Disyembre kaya naman ay agad na nagpropose ang kaniyang kasintahan sa kaniya. Ibinahagi naman ni Glaiza sa programa ng Kapuso Network na Chikaminute ang mahalagang nangyari sa Ireland, na kung saan ay nagkaroon sila dito ng napakasimpleng prenup photoshoot bago siya muli bumalik ng Pilipinas.

Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram

Makikita sa Instagram post ni Glaiza ang mga magagandang kuha ng mga larawan at pati na rin sa Instagram account ng kanilang wedding photographer na si Paul Doherty. Maliban sa magandang kuha ng mga larawan ay lalong nagpaganda ang nakakakilig na pose ng dalawa.

Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram

Isinaad din ng aktres kung paano siya naniwala at nakita si David ang taong itinadhana sa kaniya ng Diyos.

Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram

Ikinuwento ng aktres na sa kabila ng kaniyang mga pangamba na kung si David na ba talaga ang taong mamahalain niya, ay maraming mga sensyales ang ipinakita ang Diyos upang iparating sa kaniya na si David na ang taong para sa kaniya.





Leave a Reply

Your email address will not be published.