Ibinahagi ni Chesca Garcia ang sikreto nilang mag-asawa kung kaya’t nananatiling matamis ang kanilang pagmamahalan

Malaki ang ginagampanang papel ng ating mga magulang sa ating pamilya. Ang ina ang nag-aalaga sa mga anak at nag-aasikaso ng mga bagay na kakailanganin ng buong pamilya sa loob ng tahanan.

Image courtesy: Chesca Garcia/Instagram



Ang ama naman ay siyang naghahanap-buhay upang matustusan ang pangangailan ng buong pamilya na siya ring katuwang ng ina sa pagpapalaki ng mga anak. Dahil dito ay nakakalimutan na ng mag-asawa ang kanilang tungkulin sa isa’t isa bilang mag-asawa.

Image courtesy: Chesca Garcia/Instagram

Kaya naman may mga tips na ibinahagi si Cheska Garcia para sa mag-asawa upang maging mas matatag at masaya ang kanilang pagsasama.

Image courtesy: Chesca Garcia/Instagram

Ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa ng kaniyang asawa na si Doug Kramer na may caption na kung saan ay pag-uusapan at ibabahagi nila ang ilan sa mga tips kung papaano pahalagahan at alagaan ng mag-asawa ang kanilang pagiging mag-asawa at pagsasama.

Image courtesy: Chesca Garcia/Instagram

Sinabi ng aktres na ang i-spoiled o ibigay ang mga gusto at nais ng bawat isa ay malaking tulong at kailangan din ng mag-asawa na paminsan-minsan ay magkaroon ng bonding at magdate ng silang dalawa lamang.

Image courtesy: Chesca Garcia/Instagram



Ipinaliwanag din ni Chesca na kailangan ng mag-asawa na maging matured at mas lalo pang kilalanin ang isa’t-isa. Dagdag pa niya na ito ay isang tungkulin na dapat gawin ng may pagmamahal sa iyong asawa.

Image courtesy: Chesca Garcia/Instagram

Sina Chesca at Doug ay kasal na sa loob ng 12 taon, ngunit sila ay nagsasama sa loob ng 17 taon. Ang kanilang matamis at masayang pagmamahalan ay biniyayaan ng tatlong anak na sina Kendra, Scarlett at at ang kanilang unico iho na si Gavin.

Image courtesy: Chesca Garcia/Instagram

Sa kabilang banda ay ibinunyag naman ni Doug ang sekreto nilang mag-asawa kung bakit tumagal ang kanilang pagsasama. Ayon sa kaniya, palagi nilang tinitiyak na magkasundo sila bago pa matapos at lumipas ang araw sa tuwing mayroon silang hindi pagkakaunawaan.

Image courtesy: Chesca Garcia/Instagram

Noong Disyembre ay niregaluhan si Chesca ang kaniyang asawa ng isang bagong sasakyan bilang regalo sa kaniya noong pasko.

Kwento ni Doug, na kaya binigyan niya si Chesca ng ganitong regalo ay dahil hindi niya makakalimutan ang ginawa ng kaniyang asawa na ibenta nito ang kaniyang sasakyan upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Saad pa ni Doug na talagang malaki ang pinagdaanan nila financially noong simula pa lang ng kanilang pagsasama.





Leave a Reply

Your email address will not be published.