Ibinahagi ni Vandolph Quizon ang kaniyang sikreto sa pagiging matatag na relasyon sa kaniyang napakagandang asawa

“For better or for worse…’Til death do us part”, binitawang pangako ng bawat mag-asawa sa harap ng Diyos mula sa araw na ikinasal sila.

Image courtesy: Vandolph Quizon/Instagram



Ito ang pinakamahalagang pangako ng mag-asawa sa isa’t-isa na dapat ay mapanindigan nila. Ang pasukin ang mundo ng pag-aasawa ay hindi puro saya at romantic lamang.

Darating ang oras na susubukin ng mga pagsubok ang tatag ng inyong pagsasama at pagmamahalan sa isa’t-isa. Ngunit, anumang bagyo, hirap at problema ang dumating, bilang mag-asawa ay dapat magtulungan at alalayan ang isa’t isa.

Image courtesy: Vandolph Quizon/Instagram

Katulad na lamang ng mag-asawang Vandolph Quizon at Jenny Quizon na sa tinagal-tagal na nila bilang mag-asawa ay hindi pa rin nawawala ang tamis ng kanilang pagmamahalan.

Image courtesy: Vandolph Quizon/Instagram

Masaya sila dahil kaunting panahon nalang ay ipagdidiriwang na nila ang kanilang dalawang dekada bilang mag-asawa.

Image courtesy: Vandolph Quizon/Instagram

Ibinahagi ni Vandolph na ang kaniyang sekreto kung bakit tumagal ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa, ito ay ang pagiging loyal niya kay Jenny.

Image courtesy: Vandolph Quizon/Instagram



Isinaad din ni Vandolph na ayaw niyang masira ang kanilang pamilya. Naikuwento naman ni Vandolph sa programa ni Boy Abunda ang naging sitwasyon at pinagdaaan niya sa buhay pagdating sa pamilya.

Image courtesy: Vandolph Quizon/Instagram

Saad ni Vandolph na hindi niya parehong sinisisi ang kaniyang magulang sa pagkakaroon ng isang broken family at pagkakaroon ng maraming kapatid sa labas na kung saan ay makikita namang nagkakasama at nagkakaroon naman sila ng bonding bilang magkakapatid.

Image courtesy: Vandolph Quizon/Instagram

Dagdag pa ni Vandolph na hindi niya ipaparanas sa kaniyang pamilya at mga anak ang kaniyang naranasan noong bata pa siya, dahil gusto niyang magkaroon ng isang huwarang pamilya at gusto niya rin na sa kanilang mga asawa tatakbo ang kanilang mga anak kung sakaling magkaroon ng problema ang mga ito.

Image courtesy: Vandolph Quizon/Instagram

Sinabi pa niya na tanging ang asawang si Jenny lang ang gusto niyang makasama hanggang sa kaniyang pagtanda at tanging hiling niya lang ay buo ang kaniyang pamilya.

Image courtesy: Jenn Quizon/Instagram

Kaya naman ang masaya at matatag na pagmamahalan nina Vandolph Quizon at Jenny Quizon ay biniyayaan ng dalawang anak na sina Vito Quizon at Gabrielle Avante.

Image courtesy: Jenn Quizon/Instagram

Kaya naman, masasabi natin na ang pagsasama ng mag-asawa na may matatag na pundasyon ay hindi basta-basta natitinag ng mga hamon ng buhay.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *