Isa sa mga pinakamasarap na pakiramdam sa buhay ay ang maikasal ka sa taong pinakamamahal mo. Maliban dito, masarap din sa pakiramdam na tanggapin ka ng buong pamilya ng minamahal mo.


Nakakaiyak isipin na akala mo noong una ay wala ng pag-asa ngunit nagbunga ang mga ito ng hindi mo inaakala na mga pangyayari.


Hindi lang sapat ang salita kundi dapat sabayan din ito ng gawa upang maipakita mo na talagang seryoso ka sa iyong ginagawa at intensyon. Tulad na lamang ni Benj Manalo na anak ng komedyante na si Jose Manalo na ginawa ang lahat upang mapasaya ang kanyang partner na si Lovely Abella.

Nito lamang nakaraang linggo ay ikinasal na sina Benj at Lovely sa Lemuria Gourmet Restaurant sa Quezon City. Makikita ang nakakainspire at nakakakilig na mga kaganapan sa social media ni Benj na umani ng mga positibong komento mula sa mga netizens.

Kapansin-pansin din sa litrato ang napakagandang suot na gown ni Abella na gawa ni Steph Tan. Ang gown na ito ay regalo sa kanya ng sikat na artista na si Kathryn Bernardo na dati niyang nakasama sa isang proyekto.

Ibinahagi ng bagong kasal ang kanilang mga pinagdaanan at nararamdaman sa kanilang mga social media accounts. Mababasa mo dito kung gaano nila sobrang mahal ang isa’t-isa at sa bandang huli ay nagbunga ito ng kanilang panghabang-buhay na pagsasama.

Inihalintulad pa ni Benj sa isang pelikula ang kanyang pinagdaanan at nararamdam noong una niyang nakilala si Lovely.
Malaki ang nagawa umanong pagbabago sa buhay ni Benj si Lovely na kung saan ito ang naging isang dahilan upang mahalin niya ito ng lubusan. Laki din ng kanyang ikinatuwa ng buo siyang tanggapin ng anak ni Lovely na si Chrisha Kaye.

Pero nagkaroon din siya ng pangamba at katanungan sa kanyang sarili kung kaya niya ibigay ang lahat ng kailangan ng babaeng mahal niya at ng anak nito.

Sa huli hindi nabigo si Benj dahil nagampanan niya ng mabuti ang kanyang role sa buhay ni Lovely at naaprubahan mismo ito ng tatay ng aktres kung kaya sa huli walang atubili na nagpakasal ang dalawa dahil alam nila sa kanilang sarili na mahal na mahal nila ang isa’t-isa at susuportahan nila ang bawat isa sa abot ng kanilang makakaya.