Karla Estrada sobrang proud sa kaniyang anak na si Magui sa pagpasok nito sa Top 1 na Unibersidad sa Australia

Wala nang mas sasaya pa sa isang magulang na nakikitang gumaganda ang kinabukasan ng kaniyang anak. Makitang nagpupursigi ang kaniyang mga anak sa mga bagay na nais marating ng mga ito ay isang malaking regalo na para sa kanila.

Image courtesy: MagsFord/Instagram

Katulad na lamang ng isang kilalang ina na si Karla Estrada na kung saan ay sobrang proud at saya para sa kaniyang anak na si Magui Ford na kung saan ay tinanggap at nakapasok ito sa isa sa mga kilalang unibersidad sa Melbourne, Australia. Kaya naman hindi mapantayan at matawaran ang sayang nararamdaman ni Karla para sa kaniyang anak.

Image courtesy: MagsFord/Instagram

Kaya naman, masayang ipinagmalaki at ibinahagi ng celebrity mom ang naabot ng kaniyang anak. Makikita sa kaniyang Instagram post ang isang mensahe kung gaano siya kaproud at kasaya sa narating ng kaniyang anak.

Image courtesy: MagsFord/Instagram
Image courtesy: MagsFord/Instagram

Ipinaalala din ni Karla sa kaniyang anak na si Magui na palaging gagabayan niya ito saan man at ano man ang marating ng kaniyang anak.

Image courtesy: MagsFord/Instagram
Image courtesy: MagsFord/Instagram

Hindi lang ang magandang mensahe ang pinost ni Karla sa kaniyang Instagram dahil nakalakip din dito ang isang screenshoot na email mula sa University of Melbourne na kung saan ay binabati nila si Magui sa pagkapasok nito sa kilalang Unibersidad.

Image courtesy: MagsFord/Instagram

Dahil sa nasabing post ni Karla, maraming mga kilalang tao ang nagparating ng kanilang pagbati kay Magui sa narating nito, kabilang na rito sina KC Concepcion, Anne Curtis, and Marjorie Barretto.

Image courtesy: MagsFord/Instagram

Si Magui Ford o mas kilalang si Margaret Fiona Ford Planas ay ipinanganak noong Pebrero 18, 2002 na anak ni Karla Estrada sa kaniyang dating partner na si Mike Planas.

Image courtesy: MagsFord/Instagram

Si Karla Estrada ay ipinanganak sa Tacloban noong Nobyembre 21, 1974, isang kilalang aktres at show host at matatag na ina sa apat niyang anak na sina Daniel Padilla, Jose Carlito Padila, Margaret Ford Planas at Carmella Ford.

Image courtesy: MagsFord/Instagram

Dito mo masasabi na wala talagang sawa na mamahalin at susuportahan ka ng iyong magulang sa lahat ng bagay na gusto at iyong narating.

Leave a Reply

Your email address will not be published.