Masaya ang kasalukuyang buhay pag-ibig ngayon ni Momshie Karla Estrada kasama ang kaniyang nobyo

Sa buhay natin, marami tayong makikilala at mamahaling tao. Ngunit ika nga, hindi lahat ng buhay pag-ibig masaya ang katapusan.

Image courtesy: Karla Estrada/Instagram

Sabi nga ni John Lloyd sa pelikula nila ni Bea Alonzo na pinamagatang “One More Chance” na tumatak sa maraming Pilipino ay, “kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi baka merong bagong darating na mas ok, na mas mamahalin tayo, yung nag-iisang tao na magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin”.

Image courtesy: Karla Estrada/Instagram

Isa na rito si Karla Estrada na sa dinami-daming taong dumating sa buhay niya na minahal niya ng lubos, na sa kalaunan ay nauwi rin sa hiwalayan.

Image courtesy: Karla Estrada/Instagram

Ngunit hindi sinarado ni Karla ang kaniyang puso upang magmahal muli. Kaya naman nakilala niya ang isang taong magmamahal sa kaniya ngayon ng lubusan, at ito ay walang iba kundi si Jam Ignacio. Makikita naman na masaya na ang buhay pag-ibig ngayon ni Karla.

Image courtesy: Karla Estrada/Instagram

Ipinakilala niya sa publiko si Jam sa kaniyang hinohost na programa na pinamagatang Magandang Buhay.

Si Jam Ignacio ay 32 taong gulang, isang businessman at accountant na taga Makati. Siya ay nakapagtapos sa Far Eastern University at St. Joseph College sa Quezon City. Si Jam Ignacio ay may dalawang anak sa kaniyang dating kinakasama.

Image courtesy: Karla Estrada/Instagram

Ibinahagi ni Jam na para sa kaniya ang pagtingin niya kay Karla ay hindi isang artista kundi isang normal lang na tao katulad niya.

Image courtesy: Karla Estrada/Instagram

Makikita sa Instagram post ni Karla, na ipinagdiwang nila ni Jam ang kanilang unang anibersaryo noong buwan ng Hunyo 01, 2020. Naikuwento ni Karla na mas lalong nagkaroon siya ng motivation upang magwork out nang makilala niya ang taong mahal niya.

Image courtesy: Karla Estrada/Instagram

Bago pa man matapos ang taong 2020 ay masayang nagbakasyon sa Boracay sina Karla at Jam kasama ang mga anak at masaya narin nilang ipingadiwang doon ang bagong taon.

Image courtesy: Karla Estrada/Instagram

Maliban pa doon ay kasama rin nila ang isang sikat na aktres na si Jackie Foster at mga anak nito na si Andre at Kobe Paras.

Leave a Reply

Your email address will not be published.