Mark Herras at Nicole Donesa, isang ganap nang magulang

Hindi lang isa kundi madaming mga artista sa panahon ngayon ang nabiyayaan ng kani-kanilang mga blessings galing sa Panginoon.


Image courtesy: Mark Herras/Instagram

Meron sa kanila ay natapos na ipagawa ang kanilang pangarap na tahanan, ang iba naman ay nakabili ng sasakyan, meron din ang nakapagbakasyon sa ibang bansa.


Image courtesy: Mark Herras/Instagram

Hindi din mawawala para sa ibang artista na masaya dahil natupad na ang pangarap nilang business, at higit sa lahat nabiyayaan ng bagong miyembro ang pamilya.


Image courtesy: Mark Herras/Instagram

Lahat ng kaganapan na ito ay kanilang nakamtan sa kabila ng mga pagsubok na ating kinaharap. Tulad na lamang ng matagal ng magpartner na sina Mark Herras at Nicole Donesa na matagumpay na nailabas sa sinapupunan ni Nicole ang kanilang panganay na anak ni Mark.


Image courtesy: Mark Herras/Instagram

Madami ang natuwa sa balita na ito dahil sa haba ng panahon ay naging ganap na talaga silang magulang.


Image courtesy: Mark Herras/Instagram

Ibinahagi ang kaganapan na ito sa social media account ni Mark Herras na kung saan makikita ang litrato niya kasama ang kanyang mag ina sa delivery room.


Image courtesy: Mark Herras/Instagram

Si Nicole Donesa ay nanganak lamang nitong katapusan ng Enero. Sa sobrang saya ni Mark Herras ay hindi niya napigilan na ibahagi ang mga litrato ng kanilang anak na baby boy.


Image courtesy: Mark Herras/Instagram

Pinangalanan nila ito na Mark Fernando Donesa Herras at binigyan ng palayaw na Corky. Mapapansin sa mga litrato na talagang malusog si baby Corky dahil meron itong timbang na umaabot sa 7.3 pound at may taas na 53 cm.


Image courtesy: Mark Herras/Instagram

Kasabay ng mga litrato ay meron itong kasamang kapsyon na ipinapakilala ni Mark Herras ang kanilang anak na si Corky at binati din niya ang kanyang partner na si Nicole sa matagumpay na panganganak nito.


Image courtesy: Mark Herras/Instagram

Tulad ni Mark Herras hindi din magkandamayaw ang mga kapwa artista at kaibigan ng aktor pati na din ng kanyang mga tagahanga kung kaya makakabasa tayo sa kanyang social media account ng isang damakmak na pagbati ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.