Silipin ang buhay ngayon sa Amerika ng dating Darna Star na si Anjanette Abayari

Bawat pelikulang ating napapanuod ay mayroon tayong lubos na paboritong artista dahil sa husay nilang pagganap sa kanilang papel at sa taglay nilang kagandahan at kagwapuhan.


Image courtesy: Anjanette Abayari/Instagram

Hindi natin maikakaila na talaga namang sinusubaybayan natin ang kanilang paglabas sa kahit anong programa upang masaksihan ang kanilang husay sa pag-arte.


Image courtesy: Anjanette Abayari/Instagram

Paano naman kung hindi na natin nasusubaybayan ang paborito nating artista dahil sa kanilang paglisan sa mundo ng showbusiness.

Isa na rito ang gumanap bilang Darna na si Anjanette Abayari noong 1994 na talaga namang kinagiliwan at pinagpantasyahan ng maraming kalalakihan dahil sa taglay nitong kagandahan at hubog ng katawan. Kasama niya sa nasabing palabas sina Edu Manzano, Rustom Padilla, Pilita Corales, Bong Alvarez at Cherry Gil.


Image courtesy: Anjanette Abayari/Instagram

Si Anjanette Abayari ay isang beauty queen na kung saan inihalintulad ang kaniyang kagandahan kay Catherine Zeta Jones na isang Welsh actress.


Image courtesy: Anjanette Abayari/Instagram

Noong taong 1991 ay nanalo siya bilang Binibining Pilipinas Universe ngunit dahil sa kaniyang isang pagiging American citizen ay hindi na siya tuloy upang ipagpatuloy ang nasimulang laban kaya naman pinalitan siya ni Maria Lourdes Gonzalez.


Image courtesy: Anjanette Abayari/Instagram

Hindi man naipagpatuloy ang nasimulang laban sa Miss Universe ay madami naman ang bumuhos na proyekto sa kaniya upang maging artista.


Image courtesy: Anjanette Abayari/Instagram

Nagbago ang kapalaran ni Anjanette ng mahulihan siya ng ipinagbabawal na gamot sa Guam airport noong Oktubre 1999 na naging sanhi ng kaniyang pagka-ban sa bansang Pilipinas ng ilang taon.


Image courtesy: Anjanette Abayari/Instagram

Bumalik si Anjanette sa Pilipinas noong Enero 31, 2015 kasama ang kaniyang dalawang anak na lalaki upang dumalo sa isang family reunion sa Iloilo.


Image courtesy: Anjanette Abayari/Instagram

At hindi kalaunan ay nahanap ni Anjanette ang taong magpapatibok ng kaniyang puso at noong March 2018 ay na-engaged siya sa isang Pastor sa Amerika na si Gary Pangan. Buong pusong tinanggap ni Garry ang mga anak ni Anjanette sa ibang lalaki na sina Aiden at Ashton.


Image courtesy: Anjanette Abayari/Instagram

Makikita at mapapanuod naman sa YouTube channel ni Anjanette ang mga Bible Verses na kaniyang ina-upload.


Image courtesy: Anjanette Abayari/Instagram

Samantalang ang kaniyang partner na si Gary ay ang travel adventures naman nilang dalawa sa iba’t ibang lugar ang inaupload nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *