Ibinahagi ni Richard Yap ang Sweet Photos nila ng kaniyang beautiful wife

Madami tayong ala-ala na minsan ayaw nating malimutan kung kaya’t sa bawat oras na mayroon tayong gusto na mga pangyayari na ayaw nating makalimutan ay nagagawa nating kuhaan ito ng litrato upang mabalik-balikan natin ang bawat mga sandali.


Image courtesy: Richard Yap/Instagram

Sa bawat litrato na ating kinukuhaan ay may mga masasaya at minsan malulungkot na kwento sa likod nito. Gayunpaman natutuwa pa din tayo na balikan ang mga ito sapagkat nagpapaalala ang mga litrato sa mga bagay na ating natutunan at nakamit sa mga oras na iyon.


Image courtesy: Richard Yap/Instagram

Tulad na lamang ni Richard Yap at ng kanyang non showbusiness wife na si Melody na masayang ibinahagi ang mga nakakakilig na mga litrato nila.

Naganap ang pagbahagi ng aktor at ng kanyang asawa ng mga litrato dahil inalok sila ng programang Magpakailanman na ibahagi ang kanilang kwentong pag-ibig.


Image courtesy: Richard Yap/Instagram

Sa una ay tila ayaw pa umano gawin ng mag asawa ngunit makalaunan pumayag na din ito sa kadahilanang maaaring makatulong ang kanilang kwento na mainspire ang mga manunuod na may kaparehong karanasan tulad nila.


Image courtesy: Richard Yap/Instagram

Kasabay ng pagpayag ng mag-asawa ay ang pagbahagi nila ng kanilang mga magagandang litrato na nagpakilig sa mga netizens ng ito ay ibinahagi sa social media.


Image courtesy: Richard Yap/Instagram

Tulad na lamang ng litrato na kung saan makikita na silang dalawa ay ikinasal. Naganap umano ang kasal ni Richard Yap at ng kanyang asawa na si Melody Yap noong 1993.


Image courtesy: Richard Yap/Instagram

Isang simpleng civil ceremony ang unang nakapag-isang dibdib sa aktor at ng kanyang asawa. Mapapansin sa sumunod na litrato ang isang kasal na naganap naman sa isang simbahan.


Image courtesy: Richard Yap/Instagram

Makalipas umano ng dalawang taon ay ikinasal ulit si Richard at Melody sa simbahan noong 1995. Ang pagmamahalan ng dalawa ay nagbunga ng anak na babae at lalaki na nag-ngangalang Dylan at Ashley.


Image courtesy: Richard Yap/Instagram

Makalipas ang madaming taon at pagsubok na dumaan sa buhay ng mag-asawa ay nanatiling malakas at matibay ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa at makikita naman ito sa mga sumunod na litrato na kanilang ibinahagi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *