Ibinahagi ni Georgina Wilson na siya ay malapit nang magsilang ng kaniyang third baby

Hindi matawaran ang saya na nararamdaman ng isang magulang sa pagkakaroon ng mga anak lalong lalo na kung madadagdagan na naman ulit ang miyembro ang kaniyang pamilya.


Image courtesy: Georgina Wilson/Instagram

Isa na rito si Georgina Wilson na kamakailan lamang ay inanunsyo sa social media na ipinagbubuntis niya ang kanilang pangatlong anak.


Image courtesy: Georgina Wilson/Instagram

Makikita sa Instagram post ng model at host na masaya niyang ibinunyag at ipinahayag na kung saan ay inaasahang manganganak siya sa loob ng 6 na linggo. Ito ay ang pangatlong anak niya sa kaniyang British husband na si Arthur Burnand.


Image courtesy: Georgina Wilson/Instagram

Makikita sa Instagram post Georgina na nakasuot siya ng bikini at ipinapakita ang kaniyang baby bump. Dobleng pagdiriwang para sa kanila dahil kaarawan din ngayon ni Georgina. Sinabi niya na sa loob ng anim na linggo ay darating na ang kaniyang pinakamagandang regalo.


Image courtesy: Georgina Wilson/Instagram

Bago ang kaniyang mga naging anunsyo, ay hindi man lang nagbigay ng pahiwatig si Georgina na siya ay buntis sa loob ng maraming buwan. Dahil dito ay marami sa kaniyang mga kaibigan ang nagulat ng malaman ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis.


Image courtesy: Georgina Wilson/Instagram

Dahil dito ay napuno ng pagbati ang comment section ni Georgina mula sa kaniyang pamilya, kaibigan at mga tagahanga at mga tagasuporta matapos na mai-upload ang kaniyang nakakagulat na balita.


Image courtesy: Georgina Wilson/Instagram

Bago bumalik sa Pilipinas, sina Georgina, Arthur, at ng kanilang mga anak na sina Archie at Alfie ay nanatili muna sa Papua New Guinea. Dito sila namalagi ng maraming buwan dahil sa lockdown na ipinatupad dahil sa pandemya.


Image courtesy: Georgina Wilson/Instagram

Nagsimulang magdate sina Georgina Wilson at Arthur Burnand noong 2015 at na engaged noong Oktubre 2015. At noong Abril 30, 2016 ay ikinasal sina Georgina Wilson at Arthur Burnand sa Winchester, England.


Image courtesy: Georgina Wilson/Instagram

Ipinanganak ni Georgina Wilson ang kanilang panganay na anak na si Archibald Francis Geoffrey “Archie” Burnand noong Disyembre 14, 2016 at ang kanilang pangalawang anak naman na si Alfred Thor Crichton “Alfie” Burnand ay ipinanganak naman noong Hunyo 24, 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *