Magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil, ibinahagi ang isang sikreto para sa pagkakaroon ng isang matatag relasyon

Sabi nga nila, hindi sa agwat ng pagsasama nasusukat ang pagkakaroon ng isang matatag na relasyon. Lahat ng klase ng relasyon ay nakararanas ng ups and down, hindi puro saya.


Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Marami na tayong mga nakikita at naririnig na kung saan, ang masayang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan ay nauuwi sa hiwalayan. Ang sikat at kilalang loveteam ng lahat na sina Liza Soberano at Enrique Gil ay nagbigay ng sikreto kung paano magkaroon ng isang matatag na relasyon o pagsasama.


Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Kung inyong babalikan ang dating love team lamang noon, ngayon ay isang real life couple na. Ano nga ba ang kanilang naging sikreto sa matagumpay at matagal nilang pagsasama?


Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Sa isang panayam, para sa isang magazine na nakabase sa Los Angeles na tinatawag na Vulcan, napag-usapan kung ano ang nagpatibay kina Liza Soberano at Enrique Gil sa kanilang anim na taong pagsasama. Ang naging sagot ng dalawa ay ang salitang respeto.


Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Ayon kay Liza, sinabi niya na ang tanging pagkakaroon nila ng respeto sa isa’t-isa na kung saan ay isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng magandang pagsasama nila bukod dito natutuwa din si Liza na kasama ang kanyang kasintahan na si Enrique dahil nagpapagaan tila umano ito ng kanyang pakiramdam.


Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Katulad din ng ibang magksintahan, inamin ni Liza na nagtatalo din sila paminsan-minsan. Ngunit ganun pa man, ay hindi nila hinahayaan na matapos ang isang araw na hindi naayos ang kanilang problema.


Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Sa tagal na nilang nagsasama ay halos hindi makapaniwala ang dalawa na malayo na ang kanilang narating bilang magkasintahan.


Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Sina Liza Soberano at Enrique Gil ay naging isang matagumpay na love team sa isang teleserye sa ABS-CBN na pinamagatang “Forevermore”.


Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Ito ang naging simula na kung saan ay magkasama na silang magkatrabaho sa maraming pelikula at palabas sa telebisyon na kung saan ay nakilala ang kanilang pangalan bilang isa sa mga pinakamalaki at kinikiligang love team sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *