Ipinagdiwang ni John Prats ang kaniyang ika-37 na kaarawan kasabay ng binyag ni Baby Forest

Nakaugalian na rin nating mga Pilipino na minsan ay ipagsabay nalang ang mahigit sa isa na importanteng okasyon na ipinagdiriwang ng isang pamilya upang makaminus-minus ng gastusin.


Image courtesy: Isabel Oli/Instagram

Minsan may pagkakataon sa isang pamilya na ipinagdiriwang ang kaarawan ng anak at magulang sa magkaparehong buwan, hindi man magkaparehas ang araw subalit ang ginagawa ay ginugunita nalang ng sabay.


Image courtesy: Isabel Oli/Instagram

Katulad na lamang ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli na kung saan ay ipinagdiwang ni John Prats ang kaniyang kaarawan kasabay ng binyag ng kanilang anak na si Forest noong Linggo ng Pebrero 14, kung saan ang araw na ipinagdiriwang ng bawat tao ang araw ng mga puso.

Para sa pamilya ang nasabing kaganapan ay naging mas espesyal dahil sumabay ito sa ika-37 na kaarawan ni John Prats.


Image courtesy: John Prats/Instagram

Makikita ang mga larawan mula sa dobleng pagdiriwang na na-upload sa kani-kanilang Instagram account ng mag-asawa.

Ayon sa naging caption ng post ni Isabel, ang naging kaganapan sa kanilang pamilya ay nakakapanibago dahil nasanay silang magkaroon ng malaking pagtitipon pagdating sa mga mahahalagang pagdiriwang.


Image courtesy: Isabel Oli/Instagram

Ngunit ngayon, ang nasabing okasyon ay ipinagdiwang at nagkaroon lamang ng simpleng pagtitipon para sa kaarawan ng kaniyang asawa si John Prats na kung saan ay iniaalay din nila para sa kanilang bunsong anak na si Forest Prats.


Image courtesy: Isabel Oli/Instagram

Dagdag pa ni Isabel na noong nakaraang taon ng pagdiriwang ng kaarawan ni John Prats ay isinabay din nila ang baby gender reveal ng kanilang anak kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at mga matatalik na kaibigan.


Image courtesy: Isabel Oli/Instagram

Sinabi din niya na hindi man nila nakasama ang mga taong malalapit sa kanila ay nagpapasalamat pa rin siya at naipagdiwang nila ito na buo at kasama ang pamilya.


Image courtesy: Isabel Oli/Instagram

Ipinanganak ni Maria Olivia Daytia-Prats o mas kilala bilang Isabel Oli ang kanilang bunsong anak na si Forest Prats noong July 17. Ikinasal sina Isabel Oli at John Prats noong May 16, 2015 sa Batangas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.