Sarah Geronimo, ibinahagi na punong-puno ng kasiyahan at biyaya ang kaniyang buhay may asawa ngunit maraming pagsubok na pagdadaanan

Lagi natin naririnig sa ating mga magulang na ang pag-aasawa ay hindi biro. Mahirap umano ito at puno ng pagsubok ngunit masarap sa pakiramdam lalo na kung ang kapareha mo ay ang taong tunay mong minamahal ng buo at tapat.


Image courtesy: Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli

Maraming mga dadating na pagsubok sa buhay mag-asawa na minsan nagiging mitsa ito ng mga pag-aaway ngunit hindi ito malulutas ng sumbatan kundi dapat pag-uunawaan at masinsinang usapan.


Image courtesy: Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli

Dahil pag nag-asawa ka na marami sa buhay mo ang magbabago at minsan mo na lang magagawa ang mga bagay na iyong nakasanayan noong wala ka pang asawa at pamilya. Tulad na lamang ni Sarah Geronimo na nagbahagi ng kanyang mga karanasan bilang asawa ni Matteo.


Image courtesy: Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli

Ibinahagi umano ni Sarah ang kanyang buhay may asawa sa isang interbyu sa VIVA TV na mapapanuod sa youtube. Saad ng sikat na mang- aawit na malaking biyaya sa kanya ang maikasal sa napaka sweet at napakabait na si Matteo Guidicelli. Masaya umano siya dahil kasama at kasal na siya sa taong pinakamamahal niya.


Image courtesy: Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli

Isang malaking bagay ito sa aktres dahil sa wakas meron na siyang makakasama na tao hanggang sa kanyang pagtanda. Ngunit sa kabila ng mga magagandang bagay na kanyang nararanasan ay isa umanong malaking pagsubok kay Sarah ang buhay may- asawa.


Image courtesy: Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli

Saad ng aktres na masaya ito ngunit nakakapanibago sapagkat madami na siyang bagay na dapat niyang aalahanin hindi tulad noong single pa siya at hindi pa kasal.


Image courtesy: Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli

Ngunit para sa aktres ay ok lang ang mga bagay na ito dahil isa ito sa mga malaking hakbang niya sa kanyang buhay. Dagdag pa niya na matagal man niya bago naranasan ang bagay na ito ay siguro dahil ito na ang tamang panahon at plano na ng panginoon sa kanyang buhay.


Image courtesy: Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli

Marami sa mga netizens ang humanga sa mga sinabi ng aktres dahil marami umano siyang naibahagi na kakapulutan ng aral ng nakararami.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *