Heart Evangelista may matamis na mensahe sa kaniyang husband na si Chiz Escudero para sa kanilang Anibersaryo

Sa isang taon na ating nilalakbay ay madami tayong ipinagdiriwang sa buhay tulad ng kaarawan, binyag, kasal at higit sa lahat ang anibersaryo.


Image courtesy: Heart Evangelista/Instagram

Isa na ito sa maituturing na napakaimportanteng araw sa bawat tao. Anibersaryo man ito tungkol sa tagal na ninyo na maging magkasintahan o kaya anibersaryo ninyo bilang mag asawa.


Image courtesy: Heart Evangelista/Instagram

Hindi mawawala sa mga araw na ito ang pag bati sa isa’t-isa at pag sorpresa sa taong ating minamahal ngunit mas nakakakilig kung hindi lang basta pagbati ang iyong matanggap. Tulad na lamang ng aktres na si Heart Evangelista na merong napakasweet na mensahe para sa kanyang asawa na si Chiz Escudero sa kanilang ika-6 na taong anibersaryo.


Image courtesy: Heart Evangelista/Instagram

Matatandaan na ikinasal si Heart Evangelista at Chiz Escudero noong 2012 sa Balesin Island matapos ang dalawang taon na pagiging magkasintahan at ngayong taon ang ika- 6 na anibersaryo ng dalawa.


Image courtesy: Heart Evangelista/Instagram

Makikita sa social media ni Heart Evangelista ang napakasweet na mensahe niya kay Chiz na may kaakibat na litrato nilang dalawa noong sila ay ikinasal.


Image courtesy: Heart Evangelista/Instagram

Mababasa sa post ni Heart na lubos itong nagpapasalamat sa lahat ng bagay na kanilang nakamit sa loob ng 6 na taon nila na nagsasama, malaki man ito o maliit.

Ang tanging Hiling ni heart na mas humaba pa ang kanilang pagsasama bilang mag asawa. Mararamdaman mo sa post na ito ng aktres kung gaano niya kamahal ang kanyang asawa na si Chiz Escudero.


Image courtesy: Heart Evangelista/Instagram

Madami sa mga netizens ang nagpahatid ng kanilang pagbati sa dalawa ng maligayang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo at pinuri din ng mga netizens ang napakagandang larawan na kasama sa post ng aktres.


Image courtesy: Heart Evangelista/Instagram

Alam niyo ba na magkasunod lamang ang petsa ng kaarawan ni Heart at ng kanilang kasal ni Chiz Escudero? Dahil ang aktres ay ipinanganak noong Pebrero 14, 1985 samantala ang kanilang kasal ay ginanap naman noong Pebrero 15 taong 2012.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *