Ito na ngayon ang buhay ni Wowie De Guzman bilang isang Single Dad sa kaniyang anak na si Raff

Sa mga iniidolo nating artista ay hindi natin maiwasan na masabi na kung sakaling magkakaroon siya ng pamilya at magkaka-anak ay hindi malabong maganda o guwapo at cute ang kanilang mga anak na talaga namang magmamana sa kanila.


Image courtesy: Wowie De Guzman/Instagram

Natatandaan niyo pa ba si Wowie de Guzman na siyang nagpakilig at nagpaluha sa atin ng siya ay ipares sa kaniyang kapwa artista na si Judy Ann Santos na kung saan ay sumikat sa iba’t ibang palabas sa telebisyon at pelikula noong dekada 90.


Image courtesy: Wowie De Guzman/Instagram

Sa ngayon ay mag-isang itinataguyod ni Wowie ang pag-aalaga at pagpapalaki sa kaniyang anak na si Alexandra Rafealle o Raff matapos sumakabilang-buhay ang kaniyang asawa noong 2014, isang buwan pagkatapos niyang manganak.


Image courtesy: Wowie De Guzman/Instagram

Simula noon, ay ibinahagi na ni Wowie ang paglaki ng kaniyang anak hanggang sa ito ay maging isa sa mga pinakakilalang celebrity kids sa mundo ng industriya na kung saan ay nakikita niya rin ang kaniyang sarili sa kaniyang anak dahil sa nakahiligang pagsasayaw nito.


Image courtesy: Wowie De Guzman/Instagram

Ikinasal si Wowie sa kaniyang asawa na si Sheryl Ann Reyes sa Pampanga noong taong 2012. Ang kanilang matamis na pagmamahalan ay biniyayaan ng napakacute na anak na si Alexandra Rafealle na kaniyang ipinanganak noong Marso 27, 2014.


Image courtesy: Wowie De Guzman/Instagram

Ngunit sa kasawiang palad ay pumanaw ang kaniyang asawa na naging dahilan ng kaniyang pagiging biyudo.


Image courtesy: Wowie De Guzman/Instagram

Ngunit hindi tumigil dito ang mundo ni Wowie dahil may iniwan naman sa kaniya ang kaniyang asawa na magpapaalala sa kanilang matamis at masayang pagmamahalan na kung saan ay sinabi ni Wowie na igugugol niya ang kaniyang buhay sa pagpapalaki at pag-aalaga ng kaniyang anak.


Image courtesy: Wowie De Guzman/Instagram

Makikita sa Instagram account ni Wowie ang mga larawan ni Raff. Mula sa pagpapaligo niya rito, pag-arte, mga mannerisms na mayroon silang mag-ina, sa unang pagkain ng solid food na ang paborito nitong kainin ay saging, sa pagdiriwang ng kaniyang unang kaarawan, pagbyahe papuntang USA upang bisitahin ang kanilang mga kamag-anak, at pagbisita sa libingan ng kaniyang ina upang ipagdiwang ang kaarawan nito.


Image courtesy: Wowie De Guzman/Instagram

Ginagawa ni Raff ang lahat upang maging proud ang kaniyang ama sa kaniya lalo na sa pagkanta at pagsayaw. Saad ni Wowie na ang tanging priority at laging uunahin niya ay ang kaniyang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *