Netizens panandaliang natakot sa pagkaubos ng gasolina habang nasa himpapawid si Ian Veneracion sakay ng kaniyang Parajet

Bawat tao sa mundo ay may kanya-kanyang mga libangan na ginagawa upang maibsan ang kanilang pagkalungkot o kaya ginagawa ang mga bagay na ito bilang pampalipas oras.


Image courtesy: Ian Veneracion/Instagram

May kanya-kanyang uri ng libangan o trip sa buhay ang ginagawa ng bawat indibidwal tulad ng pangingisda, pagtatanim, pag-aalaga ng hayop, pagkukumpuni, at mayroon ding mga extreme sports at iba pa.


Image courtesy: Ian Veneracion/Instagram

Hindi din maiwasan na minsan ay mayroong mangyari sa atin habang ginagawa ang mga ito lalo na ang tinatawag nating extreme sports. Gayunpaman ay hindi pa din tayo pinapabayaan sa tuwing dumadating ang hindi inaasan dahil sa huli makakauwi pa din tayo ng ligtas.


Image courtesy: Ian Veneracion/Instagram

Tulad na lamang sa nangyari sa napakaguwapong artista na si Ian Veneracion na nasa kalagitnaan ng kanyang paglipad gamit ang parajet nang bigla itong naubusan ng gasolina.


Image courtesy: Ian Veneracion/Instagram

Marami sa mga netizens ang natakot at kinabahan sa bidyo na kanilang napanood sa mismong social media ng aktor.

Ang bidyo na ito ay mayroong kapsyon na wala na umanong gasolina at tila inaasar pa niya ang kanyang kaibigan na si Buko Raymundo na natatakot. Sa nasabing bidyo mapapansing masayang nagpaikot-ikot ang dalawa sa himpapawid nang biglang huminto ang pag-ikot ng elesi ng parajet.


Image courtesy: Ian Veneracion/Instagram

Agad naman sinabi ni Ian na wala na umano itong gasolina at sinubukan pa niyang buhayin. Samantala si Buko Raymundo naman ay napasabi na lang kay Ian na galingan ang kanilang paglapag sa lupa. Kalmado na makikita si Ian sa bidyo at matagumpay naman silang dalawa na nakalapag sa lupa.


Image courtesy: Ian Veneracion/Instagram

Samu’t saring mga komento ang nanggaling sa mga netizens na nakasaksi sa bidyo ni Ian. Saad ng iba na mukhang masarap umano ito sa pakiramdam ngunit nakakatakot.


Image courtesy: Ian Veneracion/Instagram

Samantala naman ang iba naman ay sabi na ninernerbiyos siya habang pinapanood ang paglapag ng aktor. Meron din namang pumuri sa husay ng aktor sa pagpalipad at pagpalapag ng kanilang sinasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.