Derek Ramsay, ipinaalam sa publiko na si Ellen Adarna na ang inilaan para sa kaniya

Hindi naman lahat ng tao nakararanas ng sinasabing kabiguan sa pag-ibig. Pero may mga iilan na minsan na kahit na nakatagpo na sila ng kanilang mamahalin ay hindi pa rin malabo na dumating sa punto na magkakahiwalay pa rin sila at makakakilala at makakatagpo ng taong mas mamahalin nila at makakasama sa buhay.


Image courtesy: Derek Ramsay/Instagram

Laman ng balita ngayon, ang relasyon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na kung saan ay ginulat ng dalawa at inamin ni Derek sa publiko na nahanap niya ang kaniyang The One at ito nga ay si Ellen Adarna.


Image courtesy: Derek Ramsay/Instagram

Si Derek Ramsay ay nakapanayam ng G3 San Diego para sa MEGA magazine March cover. Ayon kay Derek, sinabi rin niya na si Ellen na ang the one at hindi malabo na magkaroon agad ng posibilidad na mag level-up ang kanilang relasyon. Saad pa ng aktor na seryoso ang kaniyang sinasabi at walang halong biro.


Image courtesy: Derek Ramsay/Instagram

Sinabi ni Derek na sa mga naging past relastionship niya ay inamin niyang hindi maikukumpara sa kaniyang nararamdaman ngayon para kay Ellen Adarna.


Image courtesy: Derek Ramsay/Instagram

Ibinahagi rin ng aktor na talagang kakaiba ang nararamdaman niya ngayon para kay Ellen at sa kanilang relasyon. Ikinuwento pa ng aktor na inaabot sila ng magdamag para lang mapagusapan ang ganitong bagay.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

At nang tanungin ang aktor kung may balak siyang pakasalan si Ellen, at ang kaniyang naisagot, kung hindi niya raw susundin kung ano ang sinasabi ng kaniyang puso ay baka pagsisihan niya ito.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

At sinabi pa niya na kung ano ang lahat ng kaniyang nararamdaman sinasabi nitong si Ellen na ang kaniyang The One. Dagdag pa niya na susundin niya kung ano ang sinasabi ng kaniyang puso at hindi na siya makikinig sa kung ano ang sinasabi ng kaniyang utak.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

Sinabi rin niya na maraming beses na ang nangyari kung saan ay palaging kinokontrol ng kaniyang isipan ang kaniyang nararamdaman.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

At sa pagkakataong ito, sisiguraduhin ni Derek na pakikinggan na niya kung ano ang sinasabi at isinisigaw ng kaniyang puso. Kung ating matatandaan, kamakailan lamang ay nagkaroon ng hiwalayan sa pagitan nina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Leave a Reply

Your email address will not be published.