Ibinahagi ni Ronnie Alonte na nakikita na niya si Loisa Andalio bilang kaniyang Future Wife

Ang pag-iibigan ng celebrity couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ay sinubok na rin ng napakaraming hamon at problema. Hindi maipagkakaila na kung kaya’t tumagal ang kanilang relasyon ay dahil na rin sa matibay nilang pagmamahalan sa isa’t-isa.

Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Sabi nga ng karamihan na bakit ka pa nasa isang relasyon kung wala ka namang balak na maging kabiyak pagdating ng panahon ang iyong kasalukuyang kasintahan.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Tulad na lamang ni Ronnie Alonte na tila ay siguradong-sigurado na sa kaniyang kasintahan na si Loisa Andalio ang kaniyang nais makasama panghabambuhay.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Sa isang post ni Ronnie Alonte na pagbati sa kaarawan ng kaniyang nobya na si Loisa Andalio, nabanggit niya sa kaniyang post ang mga katagang Future Wife. Isang magandang paglilinaw at sinyales na ang binatang si Ronnie ay seryoso at pino ang hangarin para sa dalagang artista.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

“Happy birthday to my future wife.” Ito ang mga eksaktong salita na ibinahagi ni Ronnie Alonte para kay Loisa Andalio, ngunit ito ay sinulat niya sa wikang Espanyol.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Ang relasyon ni Ronnie Alonte at Loisa Andalio ay nakumpirma noong December 2018. Ang pagmamahalan ng dalawa ay talagang sinubaybayan ng mga fans simula pa noong una na maging sila.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Lubos na kinakakiligan sila ng kanilang fans dahil sa taas ng chemistry nila bilang partner. Sinubok man ng napakaraming problema sa relasyon ay nanatiling matatag ang dalawa at patuloy na hindi nabibigo ang mga fans na sila ay magkatuluyan pang-habambuhay.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Ang aktor na si Ronnie Alcantara Alonte II ay ipinanganak noong Oktubre 26, 1996 sa Biñan, Laguna at kasalukuyang 24 taong gulang na. Samantalang ang aktres na si Josefina Loisa Andalio o mas kilala bilang Loisa Andalio ay ipinanganak noong April 21, 1999 at kasalukuyang 21 taong gulang na.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Ang kapwa aktor at aktres na magkasintahan ay tunay na pinagpala dahil sa mga biyayang dumating sa kanila simula nang sila ay makilala sa telebisyon at dumami ang kanilang mga fans.

Leave a Reply

Your email address will not be published.