Tingnan ang mga litrato ni Ronnie Alonte kung kaya siya ay tinaguriang Teen Heartthrob at kinakakiligan ng mga kababaihan

Ang napakaguwapong aktor na si Ronnie Alonte ay tubong Biñan, Laguna. Ubod ng guwapo at talento kung kaya’t napakaraming humanga at mabilis na sumikat.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Siya ay isang Filipino na aktor, modelo, mananayaw, at atleta sa larong basketball. Mas nakilala si Ronnie Alonte nang siya ay mapasama sa group na Hastags sa noontimeshow ng It’s Showtime.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Bukod sa pagiging miyembro ng hastags na grupo ng mga mananayaw, si Ronnie ay napasama at nagpakitang gilas rin sa mundo ng pag-aarte at sa katunayan pa nga ay gumanap na rin siya sa mga ilang palabas.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Patuloy ang pag-usbong ng karera ng aktor nang dahil na rin sa mga angking talento at kaguwapuhan nito.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Nakasama na niya ang ilan sa mga batikang aktor at talagang talentado sa mundo ng pagiging artista, tulad na lamang nina Julia Barretto, Bea Alonzo, Ian Veneracion, at Iza Calzado.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Tunay nga na napakaraming pagsubok ang pinagdaanan ni Ronnie Alonte bago marating ang kaniyang kinakatayuan na katanyagan.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Sa mundo ng showbusiness, hindi lamang kaguwapuhan at ganda ng katawan ang katangiang tinataglay mo dahil mas kinakailangan ng disiplina, sipag, at determinasyon upang makamit ang iyong pangarap.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Kinakailangan rin na ika’y mapagkumbaba at hindi nakakalimot sa iyong pinanggalingan. Ito ang mga katangian ni Ronnie Alonte kung kaya’t napakarami ang humahanga sa kaniya.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Ang pagiging artista para kay Ronnie Alonte ay hindi madaling trabaho dahil kinakailangan na alagaan niya ang kaniyang pangalan.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Bukod sa pagiging artista, kinakailangan din ng ating iniidolo na si Ronnie ng isang inspirasyon. Kung kaya’t nariyan si Loisa Andalio upang magsilbing inspirasyon ni Ronnie.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Ang magkasintahan ay kinumpirma ang kanilang pagiging magnobyo’t nobya noong December 2018. Dito mas sumikat ang kanilang mga pangalan dahil pareho silang tanyag sa industriya.


Image courtesy: Ronnie Alonte/Instagram

Ang pagiging Heartthrob ay napakasarap sa pakiramdam dahil maraming humahanga sa iyo, ngunit ang matapuan mo ang tunay na magmamahal at mamahalin mo ang isa sa pinakabubuo sa iyong kasiyahan at pagkatao.

Leave a Reply

Your email address will not be published.