Binabalik-balikan ni Piolo Pascual ang Boracay Island dahil sa napakagandang dalampasigan at mababait na mga tao

Ang Boracay ang isa sa mga paboritong lugar na binabalik-balikan ng aktor na si Piolo Pascual Madaming mga magagandang lugar at tanawin ang matatagpuan sa Pilipinas na masarap balik-balikan.


Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram

Ang mga lugar na ito ay nagbibigay sa atin ng panandaliang kaginhawaan at peace of mind sa tuwing gusto natin takasan ang ating buhay sa siyudad.


Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram

Hindi naman kasi masama ang maghanap ng lugar paminsan-minsan na kung saan ating pupuntahan upang mapagpahingahan sa nakakapagod na ginagawa natin sa ating trabaho.


Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram

Tulad na lamang ng napakaguwapong aktor at hinahangaan ng lahat na si Piolo Pascual. Ibinahagi ng hunk aktor sa kanyang Instagram account ang isa sa kanyang paboritong lugar sa Pilipinas at ito ay walang iba kundi ang Boracay beach o kilala din sa tawag na Party Island.


Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram

Sino nga ba naman ang hindi mabibihag sa napakagandang tanawin ng Boracay na merong napakapino at puting buhangin at napapaligiran pa ng napakalinaw at asul na tubig dagat.

Mapapansin sa mga litrato ng aktor ang napakagaan na ekspresyon niya na tila siya ay masaya sa kanyang pananatili sa isla.


Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram

Saad pa niya na kahit makailang balik pa umano siya sa nasabing lugar ay hindi ito magbabago at mananatili pa ding Paraiso na mahal na mahal niya at hindi niya kasasawaang balik-balikan.

Maliban sa magandang tanawin ng Boracay ay may hatid din itong mga aktibidades na talagang maghahatid sa kahit sino man tao na gustong magbakasyon dito.


Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram

Kabilang na rito ang diving na ginawa ni Piolo at mapapansin sa kanyang litrato ang isang sirang eroplano na nagsisilbing tirahan ng iba’t-ibang isda.


Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram

Pinasalamatan din ng aktor ang isang beach resort na tinatawag na Sur Beach Resort Boracay sa magandang serbisyo na kanyang natanggap habang siya ay nagbakakasyon sa nasabing lugar.


Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram

Umani ang post na ito ng aktor ng sandamakmak na mga positibong reaksyon mula sa mga netizens na nagpapahiwatig ng hindi mapantayang suporta nila sa kanilang iniidolo.


Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram

Si Piolo Jose Nonato Pascual o mas kilala sa pangalan na Piolo Pascual ay ipinanganak noong Enero 12 1977. Kilala siya sa larangan ng pag kanta, pagmomodelo, paghohost, pagiging producer at higit sa lahat ang pagiging artista.


Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram

Isa siya sa mga artista na tumatak sa puso ng mga tao at kailan man ay hindi malilimutan at malilipasan ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.