Ito ang ilan sa mga bonding moments ng anak ni Ellen Adarna na si Baby Elias at kasintahan na si Derek Ramsay

Isa sa pinakamasarap na pakiramdam ng pagiging isang magulang ay ang makita ang iyong anak na masaya. Sa buhay ng isang tao may mga bagay talaga na hindi natin maiwasan na mangyari sa atin at isa na dito ay ang paghihiwalay sa taong minahal natin.

Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

Ngunit hindi ito ang pwedeng maging isang dahilan upang hindi mapasaya ang inyong anak. Dahil may dadating at dadating talaga sa buhay natin na handa tayong tanggapin ng buo kasama ang iyong anak.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

Tulad na lamang ng pagmamahalan ni Direk Ramsay at Ellen Adarna. Alam naman natin kung ano ang nangyari sa buhay ni Ellen Adarna sa dati niyang karelasyon na si John Lloyd na nagbunga ng isang napakakyut na baby boy na nag-ngangalang Elias.

Sa kasalukuyan meron namang magandang pagsasamahan ang magulang ni Elias. Nagagawa umano ng ama nito na siya ay dalawin sa kanyang ina at ipasyal kung saan man nito gusto.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

Kung ating natatandaan na naging usap-usapan nito lamang mga nakaraang buwan ang pagiging close nina Ellen Adarna kay Derek Ramsay na kalaunan ay umamin na din ang dalawa na meron silang relasyon.

Sa kabila ng pagkakaroon ng anak ni Ellen ay tinanggap siya ng buo pati ang kanyang anak ni Derek Ramsay. Makikita ang mga bonding moments ni Derek kay Elias sa post sa Instagram account ni Ellen na kung saan mararamdaman mo ang pagmamahal ng aktor sa bata.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

Kung ating ilalarawan ang dalawa ay tila sila ay tunay na mag-ama dahil sa sobrang lambing nito sa isa’t-isa. Bilang ina ni Elias ay laking tuwa niya sa ipinapakita ng aktor sa kanyang anak.

Makikita sa isang litrato kung gaano kasaya si Elias habang nagkikipag laro umano ito kay Derek. Marami sa mga netizens na nakakita ng litrato ang natuwa sa bonding moments ng dalawa.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

Si Elias Modesto Cruz o mas kilala sa tawag na Elias ay ipinanganak ni Ellen Adarna noong Hunyo 27 2018. Wala masyadong naging balita noong mga panahon na iyon dahil nais lamang ni Ellen na maging pribado ang mga unang buwan niya kasama ang kanyang baby na si Elias.

Leave a Reply

Your email address will not be published.