Ito ang munting pagbati ni Gerald Anderson sa kanyang kasintahan na si Julia Barretto ‘You are a Blessing’

Hindi natin maipagkakaila ang lubos na kasiyahan na ating nararamdaman sa tuwing babatiin tayo ng ating mahal sa buhay kapag sumapit ang mahahalagang kaganapan sa ating buhay.

Image courtesy: Gerald Anderson/Instagram

Mayroong mga pagkakataon na simpleng mga kataga lamang ay sapat na sa atin na marinig o mabasa mula sa mga mahahalagang tao na nakapaligid sa atin.


Image courtesy: Gerald Anderson/Instagram

Paano pa kaya kung hindi lang ikaw ang nakakita ng mga ito kundi ipinangalandakan pa sa maraming tao ang kanyang pagbati na nagpapakita kung gaano ka niya kamahal, kahalaga at ipinagmamalaki sa maraming tao.


Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Tulad na lamang ng ginawa ng napakaguwapong aktor na si Gerald Anderson sa kanyang kasintahan na si Julia. Ang mensahe na ito ni Gerald ay mababasa sa kanyang Instagram account na kung saan binabati niya ang aktres na si Julia na kanyang kasintahan ng maligayang kaarawan.


Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Maliban dito may kaakibat din itong hashtag na nagsaad na ang aktres ay isang biyaya sa buhay ng aktor.


Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Maiksi man ang mensahe na ito ngunit sa pakiramdam ng dalawang taong nagmamahalan ay sapat na ito upang maipakita at maipabatid kung gaano siya kamahal at kahalaga sa buhay ng kanyang minamahal.


Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Maliban sa mensahe na ito ay may kasama din na litrato na kung saan makikita si Julia Barretto na nakasuot ng napakagandang puting damit at tila isang Diwata na naglalaro sa gilid ng napakagandang dalampasigan at tanawin.


Image courtesy: Gerald Anderson/Instagram

Umani ito ng napakaraming likes mula sa kanilang mga tagasuporta at tagahanga. Si Gerald Randolph Opsima Anderson Jr. ay ipinanganak noong Marso 7, 1989 at kasalukuyang siya ay 32 taong gulang na.


Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Samantalang si Julia Francesca Barretto Baldivia ay ipinanganak naman noong Marso 10, 1997 at kasalukuyang 24 taong gulang na.


Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Malaki man ang agwat sa edad ng dalawa ay hindi ito naging hadlang sa tunay na pagmamahal na kanilang nararamdaman at ipinaparamdam sa bawat isa. Parehong mga kilalang personalidad sa larangan ng pag-arte ang aktor at aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published.