Tom Rodriguez, inalok na ang kaniyang matagal nang kasintahan na si Carla Abellana na magpakasal

Pangatlong buwan pa lamang ng taong 2021 ay marami ng kapana-panabik na mga balita ang ating nabasa at narinig. Mula sa mga bagong nakamit ng mga artista hanggang sa mga bagong kaganapan sa kanilang buhay.


Image courtesy: Nice Print Photography/Instagram


Image courtesy: Nice Print Photography/Instagram

Marami sa atin ang nagugulat na lamang sa mga balita na biglang bumubungad sa atin at nagbibigay sa mga netizens ng tuwa at excitement. Sa mga taon na ating pag-aabang sa mga magaganap ay ito na ang araw na ating pinakahihintay. Dahil sa wakas ang napakaguwapong aktor na si Tom Rodriguez ay nag proposed na sa kanyang matagal nang kasintahan na si Carla Abellana.


Image courtesy: Nice Print Photography/Instagram


Image courtesy: Nice Print Photography/Instagram

Makikita ang nakakakilig na anunsyo ni Tom Rodriquez sa kanyang Instagram account. Sa post na ito ay makikita ang litrato ng dalawa na kung saan hawak ng aktor ang kamay ng aktres na mayroon nang nakalagay na singsing.


Image courtesy: Carla Abellana/Instagram


Image courtesy: Nice Print Photography/Instagram

Maliban dito mababasa din ang nakakakilig na mensahe ng aktor para sa kanyang soon to be wife na si Carla Abellana. Kasama ng nakakakilig na litrato ay isang maiksing tula na gawa ni Pablo Neruda na nagpapahiwatig kung gaano kamahal, kahalaga at isang biyaya ang aktres para sa aktor.


Image courtesy: Tom Rodriguez/Instagram

Kasabay ng anunsyo ni Tom ay ang pag release ng litrato ng Nice Print Photography na kung saan makikita si Tom at Carla na magkasama at hawak ng aktor ang kanilang aso samantala ang aktres ay hawak naman ang bulaklak na bigay ng aktor sa kanya.


Image courtesy: Carla Abellana/Instagram

Binati din ng Nice Print Photography si Tom sa matagumpay na pag propose nito sa aktres at nagpasalamat umano ito sa pagiging parte ng hindi malilimutang kaganapan sa kanilang buhay.


Image courtesy: Carla Abellana/Instagram

Sa maiksing oras na nakapost ang nasabing litrato na nagpapakita ng pinakamahalagang kaganapan sa kanilang buhay ay umani agad ito ng isangkatutak na positibong reaksyon mula sa mga netizens. Marami din sa mga ito ang nagpahatid ng kanilang pagbati sa magkasintahan. Mababasa din na hindi lamang ang mga netizens ang bumati kundi na din ang mga kapwa nila artista.

Leave a Reply

Your email address will not be published.