Nakapagtapos na sa kolehiyo ang bestfriend ni Liza Soberano na si Michelle Vito sa kursong Human Resource Management

Ang kapamilya aktres na si Michelle Vito o Michelle Marie Reyes Vito na kaniyang buong pangalan ay nagbigay ng karangalan para sa kaniyang mga magulang at para sa kaniyang sarili. Sa wakas ay nagtapos na ng pag-aaral sa kolehiyo ang aktres na si Michelle.

Image courtesy: Michelle Vito/Instagram

Si Michelle Vito ay kasalukuyang dalawampu’t tatlong taong gulang na, isang Filipina-spanish at nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science Major in Human Resource Management.


Image courtesy: Michelle Vito/Instagram

Ang pag-aaral sa kolehiyo ay napakaraming pagsubok at paghihirap na kakaharapin dahil dito ka sinasanay maging independent. Upang maging handa ka sa susunod na tatahakin mo na kung saan ikaw ay sasabak na sa tunay na buhay na pagtatrabaho upang mayroon kang pambili ng mga iyong mga nais at pangangailangan.


Image courtesy: Michelle Vito/Instagram

Tulad na lamang ni Michelle Vito, kaniyang ibinahagi sa kaniyang IG account ang litrato na nakasuot siya ng toga. Ibinahagi ni Michelle na ang kaniyang buhay kolehiyo ay ngayo’y magtatapos na, nagkaroon man ng maraming pagkaantala, sulit na sulit naman ang lahat ng ito dahil sa lahat ng karanasan at memorya na pinabaon sa kaniya nito na hinding-hindi niya malilimutan.


Image courtesy: Michelle Vito/Instagram

Hindi naging madali para kay Michelle ang ipagsabay ang kaniyang trabaho sa showbusiness at kaniyang pag-aaral. Naisin man niya na pagtuunan ng pansin ang kaniyang pag-aaral ay hindi niya ito magawa dahil sa mga proyekto na kailangan niyang trabahuin sa kaniyang pag-aartista.


Image courtesy: Michelle Vito/Instagram

Ayon sa post ni Michelle Vito, nais niyang maranasan ang buhay ng isang regular na estudyante na kung saan siya ay pumapasok sa classroom, sumasali sa mga school activities, kumakain sa mga cafeteria at marami pang iba.


Image courtesy: Michelle Vito/Instagram

Dagdag pa ni Michelle na hinding-hindi niya malilimutan ang kaniyang mga pinagdaanan sa kaniyang pag-aaral tulad nang mga pagpupuyat dahil may hinahabol na deadline, cramming mode, mahihirap na lessons, may mga pagkakataon pa na pagkatapos ng kaniyang trabaho ay diretso siya sa kaniyang klase.


Image courtesy: Michelle Vito/Instagram

Ang buhay sa kolehiyo ni Michelle Vito ay hindi lang patungkol sa pagkuha niya ng diploma at pagkakaroon ng degree ngunit ang pinakaimportansiya nito ay ang mga hindi malilimutan at hindi mapapalitan na mga karanasan na kaniyang nakuha buong paggugol niya sa kolehiyo.


Image courtesy: Michelle Vito/Instagram

Lubos na pinasalamatan ng aktres ang lahat ng tumulong at sa likod ng kaniyang tagumpay. Binigyang diin niya ang kaniyang lubos na pasasalamat sa kaniyang pamilya, kaibigan, kamag-aral, mga guro, at higit sa lahat ang panginoon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.