Magkakaroon na ng First Baby ang mag-asawang artista na sina Juancho Triviño at Joyce Pring

Ang kapuso married couple na sina Juancho Triviño at Joyce Pring ay nakatakdang biyayaan ng isang sanggol na anak sa ilang buwan na lamang na nalalabi. Sa kasalukuyan ay alam na ng mag-asawa ang kasarian ng kanilang baby ngunit hindi pa nila ito ibinubunyag.


Image courtesy: Juancho Triviño/Instagram

Ang pagiging isang magulang sa pinakaunang pagkakataon ay kakaiba ang kasabikan at mga emosyong madarama. Mayroong kasiyahan, kagalakan, pagkakaba, pagkatakot, at pagkaubos ng iyong lakas.


Image courtesy: Joyce Pring/Instagram

Sa unang pagkakataon na kayo ng iyong partner ay magkakaroon ng baby, hindi ito magiging madali sa una sapagkat ang bata ay naninibago pa lamang sa kaniyang kapaligiran sa kadahilanang namalagi ito ng siyam na buwan sa sinapupunan ng kaniyang ina.


Image courtesy: Joyce Pring/Instagram

Kung kaya’t para sa mag-asawang Juancho at Joyce, nakahanda na rin naman sila sa panibagong yugto ng kanilang buhay at talagang makikita sa kanilang mga post sa social media ang kasabikan na nadarama.


Image courtesy: Joyce Pring/Instagram

Ayon kay Daddy Juancho, ibinahagi niya ang ilan sa mga kasabihan na karaniwan daw nais ng mga daddy na babae ang kanilang 1st baby sapagkat, ang mga batang babae ay mas malapit at malambing sa kanilang mga ama.


Image courtesy: Joyce Pring/Instagram

Samantalang may kalamangan din ang pagkakaroon ng 1st baby na lalaki sapagkat mayroon na agad na magmamana ng apelyido ng tatay na hinding-hindi mapapalitan kahit mag-asawa pa ito, dagdag mo pa ang mayroon na agad kuya ang mga magiging kapatid nito.


Image courtesy: Joyce Pring/Instagram

Alam na nilang mag-asawa ang kasarian ng bata ngunit hindi pa nila ibinubunyag sa publiko dahil nais pa nilang gawin na mas excited ang mga fans nila at tagasuporta.


Image courtesy: Joyce Pring/Instagram

Ipinahayag rin ni Juancho sa kaniyang post ang kaniyang pagmamahal sa asawa na si Joyce Pring na nagbanggit ng mga katagang, “I Love You Mama JoycePring Forever!”


Image courtesy: Joyce Pring/Instagram


Image courtesy: Joyce Pring/Instagram

Samantala, nagpost rin ang Mommy na si Joyce Pring na nagpapakita ng litrato na talagang malaki na ang tiyan o baby bump niya. Isang palatandaan na nalalapit na ang panganganak niya sa kanilang pinakaaabangan na first baby.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *