Ibinahagi ng kapatid ni Julia Barretto ang litrato na kasa-kasama na nila ang aktor na si Gerald Anderson sa Family Picture ng Barretto

Ibinahagi ni Dani Barretto, kapatid ni Julia Barretto ang isang masayang litrato na kung saan makikita ang kanilang family picture na kabilang ang nobyo ni Julia na si Gerald Anderson. Makikita sa larawan na sila ay masayang nagbababad sa ilalim ng sikat ng araw at kasalukuyang nagbabakasyon sa isang beach.


Image courtesy: Dani Barretto/Instagram

Nakakatuwa makita na masaya ang isang buong pamilya na mapapansin mo na purong kasiyahan at kasabikan ang bakas sa kanilang mga mukha. Ang bakasyon na ito ng pamilya Barretto ay isang patunay lamang na tanggap na talaga nila sa kanilang pamilya ang aktor na si Gerald dahil kasama na siya sa travel ng mag-anak.


Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Isa sa pinakachallenging na parte sa isang relasyon ay ang ipakilala ang isa’t-isa sa mga magulang ng kapwa partido. Bilang isang lalaki, ang maipakilala ka sa pamilya ng iyong nobya ay isang katagumpayan sapagkat patunay lamang ito na ikaw ay mayroon kang purong intensyon sa kanilang anak at sapat na katapangan na harapin  at ipakilala iyong sarili sa mga magulang ng iyong nobya.


Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Sa katunayan noong unang panahon, kung ikaw ay may nililigawan na babae o napupusuan. Kailangan mo munang magsilbi sa pamamahay ng iyong nililigawan o nobya upang mapatunayan sa magulang niya na ikaw ay handang gawin ang lahat para sa kanilang anak na babae. Kung kaya’t napakahirap ang nanliligaw noon sapagkat kailangan muna ng buong permisyon ng kaniyang magulang.


Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Ngunit sa panahon ngayon, may ilan na ginagawa pa rin ang dating nakasanayan pero kadalasan ay ang magkasintahan na ang nasusunod sa kanilang mga desisyon sa buhay. Kinakailangan pa rin hingiin ang permiso ng magulang ng iyong kasintahan ngunit hindi na tulad ng dati na napakastrikto ng mga magulang.


Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Tulad na lamang ni Gerald Anderson, sino nga ba naman ang hindi tatanggap sa matipuno at napakaguwapo na binatang ito. Dahil kayang-kaya niya buhayin ang kaniyang nobya na si Julia, ganoon rin naman si Julia Barretto. Pareho silang kumikita ng sapat upang magsimula ng isang pamilya.


Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Ngunit ang pinakaimportante sa lahat ay ang dalawang taong nagmamahalan ay pino at walang pagdadalawang-isip sa kanilang pinasok na relasyon. Makikita naman natin sa dalawang artista na magkasintahan na ito, na talagang seryoso sila sa isa’t-isa.


Image courtesy: Julia Barretto and Gerald Anderson/Instagram

Nawa’y ang pagmamahalan ng dalawang ito ay maging panghabambuhay na sapagkat napakasarap tingnan ang dalawang taong nagmamahalan ng buo at masaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.