Baby Boy muli ang ika-limang anak ng mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto

Ang pamilya ay binubuo ng isang ama at ina na tunay na nagmamahalan na kasama ang kanilang mga anak. Mayroon ring mga pagkakataon na may gusto tayong tinatawag na line up ng ating mga chikiting tulad ng pagkaroon ng isang anak na babae at dalawang lalaki o kaya naman ay isang lalaki at dalawang babae.

Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram

Ngunit hindi natin hawak kung ano man ang kakalabasan na kasarian ng ating anak. Gayunpaman, ito ay isang malaking biyaya na ibinigay sa atin ng panginoong diyos na dapat nating ipagpasalamat.


Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram

Hindi din dapat tayo mawalan ng pag-asa dahil dadating din ang tamang oras na kung saan ibibigay din sa atin ang inaasam-asam nating klase ng pamumuhay sa buhay mag-asawa.


Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram

Tulad na lamang ng mag-asawang Oyo Boy at Kristine na kung saan biniyayaan sila ng panginoon ng ikalimang anak na kung saan ay isang lalaki. Makikita ang anunsyo na ito sa Instagram account ng aktres na nagpapasalamat siya ng lubos sa biyayang ipinagkaloob.


Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram

Saad ng aktres na hindi man ang kanilang hinihiling na anak na babae ang naibigay sa kanila ay laking pasasalamat pa din niya dahil madami naman umano sa kanilang mga hinihiling ang hindi ipinagdamot sa kanila ng panginoon at maliban dito kahit ang mga hindi nila naipagdadasal na mga biyaya ay kusang pumapasok sa buhay nilang mag-asawa.


Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram

Masaya din umano ang aktres dahil malusog at hindi pinabayaan ng panginoon ang kanilang anak sa kanyang sinapupunan.


Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram

Dagdag pa ng aktres na hindi man ngayon naibigay sa kanila ang anak na babae ay dadating din umano ang oras na iyon basta manatili lang na manalangin at magpasalamat sa lahat ng biyaya na kanilang natatanggap sa buhay.


Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram

Marami sa mga netizens ang naantig sa mensahe na ito ni Kristine sa kanyang social media na humakot ng isang katerbang postibong komento at likes.


Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram

Marami din sa mga netizens ang nagpahatid ng kanilang pagbati sa mag-asawa at nananalangin na sana susunod ay dinggin na ang kanilang panalangin na biyayaan sila ng isa pang baby girl.

Leave a Reply

Your email address will not be published.