Binati ni Gladys Reyes ang kaniyang pinakamamahal na asawa sa kaarawan nito na mayroong kalakip na mga lumang litrato ng aktor

Karaniwan na para sa kahit sino mang indibidwal ang makatanggap ng pagbati mula sa mga mahahalagang tao sa kanilang buhay sa mismong araw ng kanilang kaarawan. Mas masarap din ito pakinggan lalo na kung mula ito sa taong iyong minamahal at nakasama na nang mahabang panahon.


Image courtesy: Gladys Reyes/Instagram

Napakarami kasi nilang maaaring ibahagi na mga alaala na kung saan mapapaisip at mapapagtanto mo na ika’y napakaswerte sa mga taong ito.


Image courtesy: Gladys Reyes/Instagram


Image courtesy: Gladys Reyes/Instagram

Nagsisilbi din itong magandang sensyales na sa haba ng panahon ay alam mo sa iyong sarili na hindi ka nagawang pabayaan ng panginoon at ng taong inilaan sa iyo. Tulad na lamang ng kahanga-hangang mag-asawa na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas.


Image courtesy: Gladys Reyes/Instagram

Mababasa sa Instagram post ng aktres ang nakakakilig na pagbati nito sa kanyang asawa ng maligayang kaarawan. Maliban dito ay kasama rin ang mga lumang litrato noong bata pa ang aktor hanggang sa kasalukuyang edad nito.


Image courtesy: Gladys Reyes/Instagram

Saad ng aktres sa kanyang post na mamahalin niya ang kanyang asawa ngayon at sa mga susunod pang araw o sa madaling salita ay habambuhay. Maiksi man ang mga katagang ito ngunit para sa mag-asawa ay napakalaking bagay na ito para sa kanila.


Image courtesy: Gladys Reyes/Instagram

Marami sa mga netizens ang hindi mapigilang kiligin sa mag-asawa at nagawa pa nito na mag komento sa naturang post at batiin din ng maligayang kaarawan ang aktor.


Image courtesy: Gladys Reyes/Instagram

Sino nga ba naman ang hindi kikiligin sa kanila dahil kung iyong iisipin na sa hinaba-haba ng panahon ay nanatili pa din ang tamis ng kanilang pagmamahalan na tila apoy na nananatiling nakasindi at hindi naglalaho.


Image courtesy: Gladys Reyes/Instagram

Kung ating natatandaan sa kanilang mga nakaraang interbyu na madami silang dalawa na pinagdaanan na naging dahilan ng kanilang matibay na pagmamahalan sa isa’t-isa.


Image courtesy: Gladys Reyes/Instagram

Hindi umano naging biro ang mga pagsubok na kanilang naranasan ngunit hindi ito naging dahilan upang sumuko sila sa isa’t-isa at nang dahil dito nabuo ang pamilya nina Gladys at Christopher na sa ngayon ay lubos na hinahangaan ng marami.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *