Binisita ni Jake Ejercito ang anak na si Ellie sa Siargao at nagsilbi pa itong tourguide sa kaniyang ama

Ano mang mangyari o nangyayari sa buhay ng bawat tao ay may kaakibat na pagpaplano. Sa mundong ating ginagalawan, sa mga pangyayaring ating nakikita, minsan iniisip natin at sinasabi sa ating sarili na gagawin natin ang lahat ng ating makakaya upang hindi magaya sa kanila ang takbo ng ating buhay.


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram

Isa sa mga sitwasyong ito ay ang pagkakaroon ng isang pamilya na sa huli lahat naman tayo ay iyon ang patutunguhan. Pinaplano natin na makasama habambuhay ang taong ating pinakamamahal at kasamang bubuo at magkaroon ng isang masaya at buong pamilya.


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram

Ngunit ika nga, ano mang bagay na ating hinihiling at ginagawa upang magkaroon ng isang maayos na buhay o pamilya, minsan nagiging taliwas ito sa gusto nating mangyari.


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram

Hindi natin maitatanggi na ang akala nating maganda at maayos para sa ating sarili at mahal natin sa buhay, kadalasan ay hindi ito ang nangyayari at umaayon sa ating mga plano sa kadahilanang mayroong mas inilaan ang Panginoong Diyos na mas higit pa sa inaasam at hinihiling nating mangyari sa ating buhay.


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram

Katulad na lamang sa nangyari kina Andi Eigenmann at Jake Ejercito na kahit nagkaroon sila ng anak na si Adrianna Gabrielle “Ellie” Eigenmann ay hindi pa rin sila pinalad na magkasama at magkaroon ng isang buong pamilya.


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram

Ngunit ganoon pa man ay masaya sila sa kani-kanilang buhay at hindi ipinagkait ni Andi ang karapatan ni Jake bilang isang ama kay Ellie. Kung saan ay malaya itong nakakasama at mabibisita ang kaniyang anak.


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram

Kamakailan lamang ay binisita ni Jake sa Siargao ang kaniyang anak at sobra ang sayang naramdaman naman ni Ellie dahil makakasama na naman niya ang kaniyang ama at magkakaroon na naman sila ng bonding sa isa’t-isa.


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram

Dahil sa Siargao na lumaki si Ellie, siya ang nagsilbing tourguide para sa kaniyang ama. Marami ang naantig sa bonding moments na ito ng mag-ama kung kaya umani ang post na ito ng mga nag- gagandahang komento mula sa mga netizens.


Image courtesy: Jake Ejercito/Instagram

Ipinanganak ni Andi Eigenmann si Ellie noong Nobyembre 23 taong 2011 na talagang mas nagbigay ng makulay na buhay sa kaniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.