Isang ganap ng ama ang PBA basketball star na si Peter June “PJ” Simon

Isa sa mga pinapangarap natin ay ang magkaroon ng masayang pamilya kasama ang ating pinakamamahal.


Image courtesy: PJ Simon/Instagram

Wala nang mas sasaya pa kung ang inyong pagmamahalan ay mareregaluhan ng isang napakagandang biyaya galing sa Panginoon na kung saan ito pa ang magbibigay pa lalo ng kasiyahan at magpapatibay sa inyong pagmamahalan. Ang regalo na ito ay walang iba kundi ang inyong magiging anak.


Image courtesy: PJ Simon/Instagram

Isa na rito ang dating Bb. Pilipinas Supranational 2018 na si Jehza Mae Huelar na ikinasal sa isang basketball player na nagngangalang Peter June “PJ” Simon noong Martes ng Mayo 28 taong 2019 na ginanap sa Tagaytay City.


Image courtesy: PJ Simon/Instagram

Ang kanilang pagsasama na pinuno ng matamis na pag-iibigan ay nagbunga ng munting anghel. Kaya naman ay tuwang-tuwa ang mag-asawa, ang pagkatuwa na ito ang naging dahilan upang ipakilala nila sa lahat ang kanilang bagong silang na sanggol na pinangalanan nilang si Peter Jeidon Simon na ipinanganak noong Marso 1 taong 2021 sa ganap na 12:40 ng hapon.


Image courtesy: PJ Simon/Instagram

Kaya naman hindi masukat ang kasiyahan ng mag-asawa sa pagdating ng kanilang munting anghel sa kanilang buhay.


Image courtesy: PJ Simon/Instagram

Inihayag naman ni Huelar na naranasan niyang makunan nang hindi inaasahan noong nakaraang taon dahilan kung kaya’t hindi natuloy na magkaroon sila agad ng anak. Kaya naman sa pagkakataong ito na dumating sa kanila ang kanilang baby boy ay nasabi niyang ito ay isang sagot ng Panginoon sa kanilang mga panalangin.


Image courtesy: PJ Simon/Instagram

Makikita sa Instagram account ni Jehza Mae Huelar na sobra-sobra ang pasasalamat niya sa Panginoon dahil sa pangalawang pagkakataon ay binigyan siya ng pagkakataong iparanas sa kaniya ang maging isang ina.


Image courtesy: PJ Simon/Instagram

Ipinapasalamat niya sa Panginoon magpakailanman ang isang napakagandang regalo na ibinigay sa kaniya at ito ay ang kaniyang pamilya. Dahil sa nasabing post sa kaniyang Instagram account ay umani ito ng naparaming likes at mga pagbati mula sa kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay.


Image courtesy: PJ Simon/Instagram

Huwag tayong mawalan ng pag-asa at panghinaan ng loob sa ano mang pagsubok na dumating sa ating buhay, bagkus ay ipanalangin natin ito sa Panginoon dahil hindi niya tayo pababayaan at ang lahat ng pagsubok ay may solusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.