Siya si Claudia Barretto, ang kapatid ng aktres na si Julia Barretto na may pagkakahawig sa kaniyang mga tita

Hindi natin maitatanggi na talaga namang pisikal na pangangatawan o anyo ang palaging batayan kapag pamilya o kadugo na natin ang pinag-uusapan.


Image courtesy: Claudia Barretto/Instagram

Minsan kahit hindi naman tayo tanungin ng isang indibidwal kung anak o kapatid ba tayo ng kanilang kakilala o kaibigan, alam na alam agad nila kasi nakikita umano ito sa ating itsura o pamilyar na agad sa kanila.


Image courtesy: Claudia Barretto/Instagram

Minsan nga dumarating pa sa puntong sinasabihan tayo na parang kapatid lang natin ang ating ina dahil sa pagkakawangis natin sa kanila.


Image courtesy: Claudia Barretto/Instagram

Katulad na lamang ng kapatid ni Julia Barretto na si Claudia Barretto na talaga namang malaki ang pagkakahawig sa mga tita nito.


Image courtesy: Claudia Barretto/Instagram

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa magkakapatid na Marjorie, Claudine, at Gretchen na kung saan ay kilalang kilala ang kanilang apelyidong Barretto.


Image courtesy: Claudia Barretto/Instagram

Sila ay kabilang sa mga tinitingalang artista noon hanggang ngayon ang magkakapatid na sina Marjorie, Claudine at Gretchen Barretto dahil sa kanilang husay at galing sa pag-arte.


Image courtesy: Claudia Barretto/Instagram

Si Claudia Barretto ay pangalawang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Siya ay ipinanganak noong Hulyo 26 taong 1999 at kasalukuyang 21 taong gulang.


Image courtesy: Claudia Barretto/Instagram

Kung ating sisilipin ang Instagram account ni Claudia ay makikita at mapapanuod mo rito ang kaniyang tips kung paano maaachieve ang good at young looking skin na kung saan ay talaga namang mapapahanga ka sa kaniyang angking kagandahan na talaga namang masasabi mong may pinagmanahan at nananalaytay talaga sa kanilang lahi ang pagiging maganda.


Image courtesy: Claudia Barretto/Instagram

Dahil dito ay umani ito ng napakaraming likes at magagandang kumento mula sa kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay.


Image courtesy: Claudia Barretto/Instagram

Sa ngayon, ay hindi na lamang si Julia ang napapabilang sa mga batang henerasyon ng mga Barretto pagdating sa mundo ng showbiz, dahil ngayon ay dalawa na sila ng kaniyang kapatid na si Claudia na kamakailan lamang ay pumirma narin sa ilalim ng Viva Artists Agency (VAA). Sa ngayon ay isa na siyang solo artist sa ilalim ng Viva management.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *