Hinangaan ni Jacklyn Jose ang kaniyang anak na si Andi Eigenmann sa napakagandang pagpapalaki niya sa kaniyang tatlong anak

Ang makitang maganda ang ginagawa ng iyong anak para sa kanyang sariling pamilya ay isang malaking tagumpay para sa magulang.

Image courtesy: Jacklyn Jose/Instagram

May mga pagkukulang man ang iyong mga magulang pero hindi ito ang dapat maging dahilan upang gawin mo din ito sa iyong magiging pamilya sapagkat ikaw mismo ang magiging daan upang hindi na ito maulit sa iyong magiging anak.


Image courtesy: Jacklyn Jose/Instagram

Masarap umano ito sa pakiramdam dahil panatag ka na kahit wala ka na sa mundong ibabaw ay makakasigurado ka na tatahakin ng iyong anak ang tamang landas sa pagpapalaki at pag-aalaga sa sarili niyang pamilya.


Image courtesy: Jacklyn Jose/Instagram

Tulad na lamang ng batikang aktres na si Jacklyn Jose na hinangaan ang kanyang anak na si Andi sa pagpapalaki ng kanyang mga apo at pag-aalalaga ng kanyang pamilya.

Nagbahagi ng kanyang nararamdaman ang batikang aktres na si Jacklyn Jose patungkol sa kanyang anak na si Andi. Lubos ang kanyang paghanga sa ginagawa ng kanyang anak sa mga apo niya at hanga din siya sa kung ano ang meron at nakakamit ng kanyang anak sa buhay niya ngayon.


Image courtesy: Jacklyn Jose/Instagram

Hindi na iba si Andi Eigenmann sa mga mata ng netizens at madami sa mga ito ang hinahangaan siya dahil sa simpleng pamumuhay niya na ginagawa sa Siargao kasama ang kanyang fiancée na si Philmar Alipayo.


Image courtesy: Jacklyn Jose/Instagram

Hindi mapigilan ng kahit sino man ang humanga sa aktres dahil sa kanyang buhay dahil mas pinili nito ang buhay na malayo sa harap ng kamera.


Image courtesy: Jacklyn Jose/Instagram

Maliban sa paghanga ng kanyang ina na si Jacklyn Jose ay humingi din ito ng paumanhin sa kanyang anak na si Andi sa kanyang mga pagkukulang bilang isang ina.


Image courtesy: Jacklyn Jose/Instagram

Gayunpaman masaya siya na kahit ganoon ang naranasan ni Andi ay hindi ito naging dahilan upang pabayaan niya ang kanyang mga anak at pamilya.


Image courtesy: Jacklyn Jose/Instagram

Dagdag pa ng batikang aktres na mahal na mahal niya ang kanyang anak na si Andi at handa siyang suportahan umano ito sa lahat ng magiging desisyon nito sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.