Isang ganap nang ina muli ang entertainment anchor at model na si Phoemela Baranda sa edad na apatnapu

Hindi mapantayang saya ang nararamdaman ng isang magulang sa unang pagkakataon na masilayan niya ang ngiti ng kanyang anak matapos mailuwal nito sa kanyang sinapupunan.

Image courtesy: Phoemela Baranda/Instagram

Mas doble pa ang saya na mararamdaman kung matagumpay na nairaos ang anak matapos ang mahabang panahong paghihintay ng isang ina.


Image courtesy: Phoemela Baranda/Instagram

Sa panahon ngayon karamihan sa mga kilala nating celebrity ay nagkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ulit ng anak sa edad na hindi natin inaakala.


Image courtesy: Phoemela Baranda/Instagram

Tulad na lamang ng isang kilalang modelo at entertainment anchor na si Phoemela Baranda na biniyayaan pa rin ng munting sanggol sa edad na 40 years old.


Image courtesy: Phoemela Baranda/Instagram

Ang kapana-panabik na kaganapan na ito ay makikita sa Instagram account mismo ni Phoemela na kung saan makikita ang isang litrato na tila nasa loob pa siya ng delivery room at kakalabas pa lamang ng kanyang anak.

Maliban dito ay mapapansin din na karga niya ang bagong silang niyang anak at hinalikan siya ng kanyang asawa sa noo sa sobrang saya.


Image courtesy: Phoemela Baranda/Instagram

Kasama ng nakakaantig na litrato na ito ay ang napakagandang mensahe niya na nagpapasalamat sa lahat ng taong nagdasal sa kanyang kaligtasan at ng kanyang anak.

Dagdag pa niya na wala dapat ikabahala sapagkat matagumpay ang kanyang panganganak at malusog ang kanilang baby.


Image courtesy: Phoemela Baranda/Instagram

Pinasalamatan din niya ang team na gumabay sa kanya simula noong unang buwan ng kanyang pagbubuntis hanggang sa dumating ang araw ng kanyang panganganak.

Higit sa lahat ay hindi niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang asawa na si Jason Choachuy dahil palaging nandiyan at hindi siya iniwanan sa oras na kailangan siya ni Phoemela.


Image courtesy: Phoemela Baranda/Instagram

Si Phoemela Baranda ay ipinanganak noong Oktubre 1 taong 1980 at kasalukuyang 40 taong gulang. Hindi naging hadlang ang edad ng kilalang modelo at anchor sa pagbibigay ng panibagong buhay sa kaniyang munting sanggol sa mundong ito.


Image courtesy: Phoemela Baranda/Instagram

Isa itong magandang simbolo na kung saan nagsasaad na hindi dapat mawalan ng pag-asa na pagkalooban tayo ng isang sanggol na ating pinapanalangin sa kabila ng ating edad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *