Ipinagdiwang ni Kathryn Bernardo ang kaniyang ika-dalawampu’t lima na kaarawan kasama si Daniel Padilla at kaniyang pamilya

Simula nang tayo ay isilang dito sa mundong ibabaw ay talaga namang pinaghahandaan ng ating pamilya ang pagsapit ng ating kaarawan taon-taon.

Image courtesy: Kathryn Bernardo/Instagram

Image courtesy: Manal Lopez/Instagram

Ito ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao na hindi dapat palagpasin ng sinuman. Ito ay isang pangyayaring nagpapatunay ng kung ano ang narating at nangyari sa iyong buhay sa bawat taon na sasapit ang iyong kaarawan.


Image courtesy: Daniel Padilla/Instagram

Sa paggunita natin ng ating kaarawan ay isa lang ang ating hinihiling, at ito ay ang makasama natin ang ating pamilya at mahahalagang tao sa ating buhay, na kahit kaunti lang ang handa, ang importante ay buo at kasama mo ang mga importanteng tao na bumubuo at naging parte ng mga nagdaang taon sa buhay mo.


Image courtesy: Manal Lopez/Instagram

Kagaya na lamang ng isang sikat at batikang aktres na si Kathryn Bernardo na ipinagdiwang ang kaniyang ika-dalawampu’t limang kaarawan.


Image courtesy: Manal Lopez/Instagram

Makikita sa Instagram account ni Kathryn ang isang post na nagpapabatid ng pasasalamat sa Diyos dahil sa panibagong taon na binigay na naman sa kaniya upang gunitain ang kaniyang kaarawan.


Image courtesy: Kathryn Bernardo/Instagram

Ayon sa aktres, hindi man nangyari ang mga plano para sa kaniyang kaarawan ang kaniyang puso naman ay punong-puno ng kasiyahan dahil sa mga birthday wishes at messages na ipinaabot sa kaniya ng kaniyang mga tagahanga at mga tagasuporta ganoon na din ang mga taong malalapit sa kaniya.


Image courtesy: Kathryn Bernardo/Instagram

Kaya naman, ang nasabing post ay umani ng napakaraming likes at mga positibong komento.
Ipinagdiwang ni Kathryn Bernardo ang kaniyang ika-dalawampu’t limang kaarawan noong Marso 26 taong 2021 kasama ang kaniyang pamilya at pati narin si Daniel Padilla na kanyang nobyo.


Image courtesy: Kathryn Bernardo/Instagram

Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo o mas kilala bilang si Kathryn Bernardo ay ipinanganak noong Marso 26 taong 1996 sa Cabanatuan.


Image courtesy: Kathryn Bernardo/Instagram

Ang kaniyang ina ay si Luzviminda at ang kaniyang ama naman ay si Teodore Bernardo. Lumaki siya kasama ang kaniyang tatlong kapatid na sina Chrysler at Kaye ang kapatid niyang babae at si Kevin ang nag-iisa nilang kapatid na lalaki. Si Kathryn ang bunso sa kanilang magkakapatid.

Leave a Reply

Your email address will not be published.