Ibinahagi ni Baron Geisler ang ilang litrato ng kanilang pamamasyal kasama ang pamilya nitong nagdaan na Palm Sunday

Sa buhay ng isang tao ay maraming mga bagay na maaari tayong gawin at ibahagi na talagang tatatak sa paningin at puso ng iba’t-ibang tao.

Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Ngunit kadalasan sa mga bagay na madalas na tumatatak sa tao na ginawa mo ay ang iyong mga hindi kanais-nais na ginawa na tila nakaukit na sa ating katawan na hindi na natin mabubura.

Ngunit may kasabihan tayo na walang bagay sa mundong ito ang permanente kundi pagbabago. Nakagawa ka man ng kamalian ay hindi ibig sabihin ay wala ng pag-asa at pagbabago dahil habang may buhay may pag-asa at handa tayong magbago.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Tulad na lamang ni Baron Geisler na kung saan malaki ang pinagbago simula ng makilala niya ang Diyos. Wala sa ating henerasyon ngayon ang hindi nakakakilala kay Baron Geisler dahil sa mga bagay na kanyang mga nagawa na nagdulot ng malaki at maraming kontrobersiya.

Maraming nagalit at nanghinayang sa aktor sa kanyang angking talento ngunit nito lamang mga nagdaang mga panahon ay laking gulat ng nakakarami sa malaking pagbabago ng aktor.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Nagsimula ito nang makilala niya ang kanyang asawa at nagkaroon ng anak at higit sa lahat ng makilala niya ang panginoong Diyos.

Ang dating Baron Geisler na ating kilala ay isa ng maka-Diyos at mapagmahal na ama sa kanyang pamilya. Kung ating dadalawin ang kanyang Instagram account ay makikita doon ang isang post na kung saan pinasyal niya ang kanyang buong pamilya nito lamang nagdaang Palm Sunday.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Masayang pamilya at puno ng pagmamahal ang makikita mo sa litrato na ibinahagi ng aktor. May kaakibat din itong maiksing kapsyon na nagsasaad ng kanyang pasasalamat sa Panginoong Diyos sa masayang araw na iyon.

Para kay Baron, ang araw na iyon na kasama niya ang kanyang pamilya sa araw ng Palm Sunday ay isang masaya at mapagpalang araw sa kanila. Hindi din maitatago ang sobrang pagmamahal niya sa kanyang asawa na si Jamie na kinakatuwa din ng mga netizens at tagasubaybay.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Dito mo na lang masasabi na ang lahat ng tao na may hindi maganda na nakaraan at pagkakakilanlan ay may pag-asa pang magbago kapag makilala nila at maramdaman ang pagmamahal ng Diyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published.