Silipin ang mga napakagandang litrato sa ginawang photoshoot ng mag-asawang Matteo at Sarah pagkatapos ng kanilang kasalan

Isa sa pinakamahalagang pangyayari o seremonya na hinihintay sa buhay ng isang tao ay ang kasal. Lahat ng tao mapa babae man o lalaki ay nangangarap na ikasal sa kanilang pinakamamahal.

Image courtesy: Matteo Guidicelli

Sabi ng mga matatanda, ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na isusubo at iluluwa kapag napaso, dahil ang pag-aasawa ay panghabambuhay na obligasyon at pangako sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan.


Image courtesy: Matteo Guidicelli

Kaya naman hindi magkandamayaw ang kasiyahang ating nararamdaman kapag dumating ang araw ng ating pinakahihintay at ito ay ang kasalan. Kaya naman ang lahat ay abala upang maayos at mapaganda ang seremonya.


Image courtesy: Matteo Guidecelli

Sa ganitong espesyal na pangyayari ay hindi dapat mawawala ang isang photographer na siyang nakalaan upang kuhanan ang napakagandang kaganapan sa buhay ng mag-asawa.


Image courtesy: Matteo Guidicelli

Ngunit hindi lamang sa ganitong kaganapan dapat magkaroon ng litrato ang mag-asawa, dahil para sa dalawang taong nagmamahalan ang bawat pangyayari sa kanilang buhay ay may litratong nakalaan upang pwede nilang balik-balikan.

Image courtesy: Matteo Guidicelli

Katulad na lamang ng mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli na ipinakita sa kanilang mga tagasubaybay ang kanilang mga litrato pagkatapos ng kanilang kasal na nakapost sa Instagram account ni Matteo.


Image courtesy: Matteo Guidicelli

Dito ipinabatid at ibinahagi ni Matteo ang kaniyang buong pusong pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng kanilang bagong simula bilang mag-asawa lalong-lalo na ang mga tao sa likod ng kanilang mga magagandang kuhang litrato.


Image courtesy: Matteo Guidicelli

Taos puso din ang pasasalamat ni Matteo sa kaniyang asawang si Sarah sa pagiging tala nito hindi lamang sa buhay niya kundi pati narin sa buhay ng mga taong malalapit sa kanila. Umani ng napakadaming positibong komento at likes ang nasabing post ng aktor.

Image courtesy: Matteo Guidicelli

Kung ating matatandaan, sina Sarah at Matteo Guidicelli ay ikinasal noong Pebrero 20, 2020 na ginanap sa Victory Church sa Taguig.

Sarah Asher Tua Geronimo ay ipinanganak noong Hulyo 25 taong 1988 at sa ngayon ay nasa 32 taong gulang na, samantalang si GianMatteo Fernan Guidicelli o mas kilala bilang si Matteo Guidicelli ay ipinanganak noong Marso 26 taong 1990 at ngayon ay 31 taong gulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.