Ito ang ilan sa mga napakagandang litrato sa kasal ng aktres na si Sam Pinto at basketbolistang Anthony Semerad

Sa tuwing nakakakita tayo ng mga taong ikinakasal ay napapaisip at pinapangarap din natin na balang araw ay makita din natin ang ating sarili na naglalakad papunta sa dambana na ikakasal at mangangako sa harapan ng Diyos.


Image courtesy: Sam Pinto/Instagram

Maraming tao din ang nangangarap na makasama ang taong gusto nila hanggang sa pagtanda. Kahit sinong kilala natin na nababalitaang ikakasal ay talaga namang hindi magkandamayaw ang tuwang nararamdaman, kaya naman ang lahat ay parte o kasali sa nasabing espesyal na kasiyahan at ang lahat ay nagagalak na makita ang napakaganda at napakaguwapong ikakasal.


Image courtesy: Sam Pinto/Instagram

Kaya naman, sa bawat taong ikakasal ay hindi maaaring mawala ang pagkuha ng mga litrato at ang iba pa nga ay kinukuhanan pa ng bidyo magmula sa mga isusuot hanggang sa katapusan ng nasabing seremonya.


Image courtesy: Sam Pinto/Instagram


Image courtesy: Sam Pinto/Instagram

Katulad na lamang ng kasal nina Sam Pinto at Anthony Semerad na kung saan ay ating makikita sa Instagram account ni Sam Pinto ang mga magagandang litrato na kuha sa araw ng kanilang kasal.


Image courtesy: Sam Pinto/Instagram

Sa nasabing post ay pinasalamatan ni Sam ang mga taong naging parte ng kanilang pangako at pag-iisang dibdib ni Anthony Semerad.


Image courtesy: Sam Pinto/Instagram


Image courtesy: Sam Pinto/Instagram

Kasama sa mga pinasalamatan niya ang mga taong kumuha ng kanilang mga litrato, nag-ayos ng lugar, ang mga make-up artist, nag-ayos ng kanilang mga buhok, kuko at kasuotan, hanggang sa mga taong nakipagugnayan sa bawat isa para sa maayos na daloy ng nasabing seremonya.

Image courtesy: Sam Pinto/Instagram

Samuelle Lynne Acosta Pinto o mas kilala bilang si Sam Pinto ay ipinanganak noong Disyembre 11 taong 1989 sa Ormoc City. Samantalang si Anthony Semerad ay ipinanganak noong Abril 25 taong 1991.


Image courtesy: Sam Pinto/Instagram

Sina Sam Pinto at Anthony Semerad ay naging magkasintahan simula pa noong 2018 na halos tumagal ng isang taon at dalawang buwan at di nagtagal ay naengaged noong Nobyembre 2019.


Image courtesy: Sam Pinto/Instagram

Kaya naman ang matagal ng pagmamahalan ay nauwi din sa isang kasalan na ginanap noong Marso 8 sa rooftop ng Conrad Manila sa Pasay City na kung saan ay matatanaw mo ang Manila Bay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *