Ang pangarap ng isang tao ay hindi natutupad sa isang iglap dahil dapat may ibayong pagsusumikap at tiyaga upang masungkit ang mga ito.
Image courtesy: Darla Sauler/Instagram
Madami sa buhay natin ang dadaan na pagsubok bago pa man natin makamtan ang mga minimithi kung kaya dapat huwag mawalan ng pag-asa bagkus pag-igihan lang ang ginagawa.
Walang huli sa mundo na ito para sa taong matiyaga, masipag at madiskarte. Sabi nga ng nakakarami na hindi kasalanan ang ipanganak ka nang mahirap, ang kasalanan ay mawala ka sa mundo na hindi ka man lang umuusad sa iyong buhay.
Image courtesy: Darla Sauler/Instagram
Tulad na lamang ng isa sa mga naging successful na entrepreneur na si Darla Sauler na ngayon ay nakamtan na ang matagal na niyang pangarap.
Ang pangarap na nakamit ni Darla ay matutunghayan sa kanyang Instagram account na kung saan may kaakibat pa itong napakahabang mensahe para sa mga taong naging parte at daan ng kanyang tagumpay.
Image courtesy: Darla Sauler/Instagram
Mapapansin sa litrato na kanyang ibinahagi ang napakalaking bahay sa kanyang likuran na kung saan tila isang mansyon sa sobrang laki. Ito ang naipundar ni Darla sa kanyang dalawang taong pagtitiyaga sa pagbebenta online ng isang beauty product.
Mababasa din ang napakahaba at madamdamin niyang mensahe na kung saan nagbabahagi siya ng kanyang mga naging karanasan nitong mga nagdaang taon.
Image courtesy: LaventaRealty/YT
Saad niya na nagsimula lang siyang magbenta ng produktong pampaganda noong 2018 na kung saan ito ang taon na hindi pa masyado patok ang online selling.
Image courtesy: LaventaRealty/YT
Naisipan niya itong gawin dahil nagustuhan niya ang produkto na kanyang ginamit. Hindi naman nabigo si Darla dahil makalipas ang dalawang taon ay isa na siya sa mga kilalang seller ng beauty product.
Image courtesy: LaventaRealty/YT
Sa una ay nahihirapan umano siya sa pagbenta ngunit hindi niya ito sinukuan at patuloy pa din ang pag-abante. Sa tulong ng kanyang mga kasamahan sa kompanya na nagbebenta ng parehong produkto ay hindi niya namalayan ay nakakaipon na pala siya ng pera.
Image courtesy: Darla Sauler/Instagram
Lubos ang kanyang pasasalamat sa mga taong ito na hindi sumuko sa kanya at tinulungan siyang umangat sa buhay. Dagdag pa niya na hindi na kailangan pa umano na umuwi ng kanyang mga magulang dahil may sarili na silang kwarto sa mismong bahay na iyon.
Image courtesy: Darla Sauler/Instagram
Sa ngayon ang tanging hiling na lang ni Darla ay magkaroon pa siya ng mas madaming raket upang malagyan niya ng mga kagamitan ang kanyang tahanan. Darla saludo kami sa iyong kasipagan at katiyagaan.