Ibinahagi ni Camille Prats ang eksaktong lugar kung saan sila nagpalitan ng “I Do” ng kaniyang asawa na si VJ Yambao

Sa dinami-dami ng lugar na ating napuntahan ay mayroon talaga tayong nag-iisang lugar sa buong mundo ang hindi natin malilimutan at habang buhay na nakatatak sa ating mga puso at isipan. Lalo na kung ang lugar na iyon ay ang naging saksi ng isang hindi malilimutang kaganapan sa ating buhay.


Image courtesy: Camille Prats/Instagram

Sino nga ba naman ang hindi magiging proud na ipakita sa kahit kanino ang lugar na ito. Tulad na lamang ng kilalang aktres na si Camille Prats Yambao na masayang ibinahagi ang lugar na kung saan nagpalitan sila ng kanyang asawa ng “I do”.


Image courtesy: Camille Prats/Instagram

Makikita ang napakagandang litrato na ito sa Instagram account ng aktres na kung saan may kaakibat din itong napakagandang mensahe.

Kung ating pagmamasdan ang litrato ay mapapansin natin ang maaliwalas na tanawin sa bandang likuran ng mag-asawa na talagang makakapagbigay kahit kanino man ng good vibes.


Image courtesy: Camille Prats/Instagram

Maliban dito mapapansin din natin ang napaka sweet na pose ng mag-asawa na tila ramdam na ramdam mo ang init at nagbabaga na kanilang pagmamahalan.


Image courtesy: Camille Prats/Instagram

Saad ng aktres sa naturang post, iyon ang eksaktong lugar at eksaktong oras na papalubog na ang araw na nagsabi sila sa isa’t-isa ng “I do”.

Dagdag pa niya na tulad ng kanilang litrato, pagmamahalan at ang binitawang pangako nila sa isa’t-isa ay sumisimbolo sa pag-asang magiging mabuti ang bawat araw na kanilang tatahakin sa buhay.


Image courtesy: Camille Prats/Instagram

Tulad na lamang umano ng mga Pilipino na may pinagdaanan ngayon ay mayroon ding pag-asa na balang araw ay makakabangon din sa masalimuot na karanasan sa kanilang buhay ngayong panahon na ito.


Image courtesy: Nice Print Channel/YT

Ipinagdarasal din umano ng aktres ang ikabubuti ng lahat ng mga tao na sana makalagpas na sa mga masasakit na pangyayari sa kanilang buhay na nagdulot ng paghihirap.


Image courtesy: Nice Print Channel/YT

Ang mga nararanasan nating pagsubok ngayon ay sana haplusin ng Panginoong Diyos at mabigyan ng kaginhawaan at katatagan ang ating kalooban upang malampasan ito.


Image courtesy: Nice Print Channel/YT

Dagdag pa ng aktres na kapit lang at huwag susuko dahil kayang kaya natin ang lahat ng mga ito.
Ngayong Holy Week na dadaan, tayo ay manalangin para sa ikakabuti natin at ng lahat ng tao sa mundo na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.